Rochelle Pangilinan swaps flood stories with Superstar Nora Aunor

IMAGE Noel Orsal

Namangha raw si Rochelle Pangilinan dahil nanatiling mababa ang loob ni Superstar Nora Aunor sa kabila ng kalibre nito bilang batikang artista. Tuwang-tuwa rin si Rochelle na ibinahagi ang kuwentuhan nila ni Nora sa set tungkol sa magkahawig nilang karanasan sa tubig-baha.


Certified Noranian raw ang ina ni Rochelle Pangilinan, kaya lumaki siyang nakakarinig ng istorya tungkol sa makulay na buhay ni Superstar Nora Aunor.

Kaya todo ang kasiyahan ni Rochelle ngayong nakatrabaho niya si Nora sa GMA-7 prime-time series na Onanay.

Kuwento ni Rochelle, “Nung nakita ko siya sa personal, natulala ako!”

Mabilis daw nakapalagayang-loob ni Rochelle si Nora, lalo na nang magkuwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang karanasan sa tuwing nababaha ang kanilang kinalakihang lugar.

“Siya rin nagswi-swimming siya sa baha. Bilang avid fan, relate na relate ako,” masiglang saad ni Rochelle.

READ Rochelle Pangilinan reminisces about childhood with baha story

Parehong laki sa hirap, sanay daw silang humanap ng makakain sa gitna ng baha.

Kuwento ng former SexBomb dancer tungkol sa karanasan ni Nora, “Nakapulot siya ng itlog sa baha!

“'Tapos pagtulog niya, itinabi niya, parang katabi niya lang sa pagtulog.”

Iminuwestra pa ni Rochelle kung paano raw iningatan ni Nora ang napulot nitong itlog. 

“Matagal bago niya kainin, kasi sa lugar daw nila, kapag may itlog ka, mayaman ka.

“E, napulot niya. Nung nakita niyang inaanod sa baha, kinuha niya bigla, 'tapos itinabi niya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa media conference ng Onanay, na ginanap sa Le Reve events place sa Quezon City, kagabi, July 26.

Hindi raw nagkakalayo ang karanasan nila ni Nora, dahil si Rochelle mismo ay madalas manghuli ng isda kapag binabaha ang kinalakihan niyang lugar sa Dampalit, Malabon, kung saan may mga kalapit na palaisdaan.

“Tilapia! Lalambatin mo yun,” natutuwang balik-tanaw ni Rochelle sa mga nahuhuli niyang isda noon.

“Totoo yun! Hindi ko siya tinatrato na masama.

"Alam namin, kapag mabilis na yung pagtaas ng baha, kailangan itaas na yung ref, kailangan itaas na yung TV.”

Na-enjoy raw ni Rochelle ang tubig-baha lalo na noong kabataan niya.

“Hindi ako worried, happy ako. Lalo na kapag walang kuryente, kasi lahat ng kalaro ko lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May oras lang kami sa paglalaro, e. Kapag walang kuryente, mainit sa loob ng bahay, maglalaro kayo sa baha.”

Sadyang simple raw ang buhay noon.

Natatawang dagdag ni Rochelle, "Eto na nga reklamo ko—ang maghal-mahal na ng tilapia at saka bangus.

Dati maglalabas ka ng lambat sa labas ng bahay, then yung mga tilapia at bangus, pagkahuli mo, ulam na.

Pero hindi na magagawa iyon ng mga bata sa lugar nila sa tuwing may baha dahil naging marumi na raw ang tubig.

Nito lang July 17, ibinahagi ni Rochelle sa kanyang Instagram account ang litrato ng tubig-baha sa lugar nila sa Malabon.

May kwento ako ??bilang maulan naman.... Nung bata ako,kapag baha sa Dampalit madaling araw pa lang gising na kmi (kadalasan kasi mataas ang baha minsan lagpas ulo),alam namin kung gaano kabilis umaakyat ang tubig baha at kung kailangan na bang itaas ang mga gamit etc. minsan nga nagising ako kapantay na ng baha ang papag na tinutulugan ko ???? ganun pa man,bilang bata masaya ako kapag baha,walang pasok ???? at makakapaglaro ako kasama ang mga kaibigan,makakapagswimming kami (malinis pa ang tubig baha dati ???? ngayon green na ????) at higit sa lahat may ulam kami agad,kasi maraming isda dyan sa baha galing sa mga palaisdaan,kaya naglalabas na din kami ng lambat para makahuli ng pangulam... Haaayst...ang sarap talagang maging bata. ????

A post shared by rochellepangilinan (@rochellepangilinan) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN