Adrian Alandy wants to have a baby with non-showbiz wife soon

IMAGE @adrian_alandy Instagram

Adrian Alandy on non-showbiz wife Joselle Fernandez: "I'm really in love with my wife. Yung values namin for family and for relationship and to God, sobrang compatible."  


Gusto na raw ni Adrian Alandy, 38, na magkaroon sila ng anak ng non-showbiz wife niyang si Joselle Fernandez, 24.

Mahigit isang taon na silang kasal kaya nakapag-adjust na rin sila sa buhay may-asawa.

“Yes, we’re trying to have a baby. Hopefully, if not this year, maybe next year,” nakangiting saad ni Adrian.

Pangarap niya bang magkaroon ng malaking pamilya?

Sagot ni Adrian, “Hindi naman sobrang big. Kahit yung ibang mayayaman ngayon hindi na nagmamalaking pamilya.

“We just want to raise a family together. Mahilig ako sa bata, e. Mahilig ako mag-alaga ng bata.”

Kuwento pa ni Adrian, mas lalong lumalim ang relasyon nila ni Joselle mula nang ikasal sila.

“I’m really in love with my wife.

“Sobrang we jive. Family-wise, personality-wise, every thing. Yung values namin for family and for relationship and to God, sobrang compatible.”

At dahil gusto na nilang magkaanak, mas motivated si Adrian na magtrabaho para sa kinabukasan ng magiging pamilya nila ng kanyang misis.

“Parang ngayon, may purpose kung bakit ako nagwo-work nang sobra-sobra.

“Before, ang goal ko is to learn and to be a respected actor.

“I still strive to be great, but hindi ko naman inaasam-asam ngayon na sisikat ako nang sobra sobra…

“Gusto ko lang mabigyan ng opportunities na mapatunayan yung sarili ko where people close to me can be proud of me.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Adrian sa grand media conference ng bagong GMA-7 prime time series na Onanay, noong Huwebes ng gabi, July 26.

Si Adrian ay gaganap bilang mister ng bagong Kapuso star na si Jo Berry sa teleserye.


Stories We Are Tracking

Luis Alandy now goes by his real name Adrian Alandy
Luis Alandy now goes by his real name Adrian Alandy
Luis Alandy set to marry non-showbiz fiancée in February
Luis Alandy set to marry non-showbiz fiancée in February
Luis Alandy now engaged to non-showbiz girlfriend
Luis Alandy now engaged to non-showbiz girlfriend


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN