Jackie Forster explains absence of son Andre Paras in "dream sequence" family photo shoot

IMAGE Courtesy: @jackie_forster on Instagram

Hindi nakarating sa family photo shoot ni Jackie Forster si Andre, ang anak nito sa estranged husband na si Benjie Paras. (Right photo, L-R) Jared, Michael, Yohan, Kobe, at Caleigh


Ibinahagi ni Jackie Forster sa Instagram kahapon, July 27, ang “dream sequence” family photo nila.

Kasama sa larawan ang asawang si Michael at ang kanilang mga anak na sina Jared, Caleigh, at Yohan.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 12 years, kasama na rin si Kobe, ang bunso niya sa ex-husband na si Benjie Paras.

Ang naging katanungan ng mga netizen: Where is Andre?

Si Andre ang panganay na anak niya kay Benjie.

READ Kobe Paras joins mom Jackie Forster's family shoot

Kinagabihan, nag-post muli si Jackie ng larawan niya habang nasa background ang apat na anak.

Panimula niya, “This was once just a ‘dream sequence’ for me, yesterday it was my reality.

“I tried to savor every minute while keeping everyone on track and organized.”

Sunod niyang ipinaliwanag kung bakit hindi nakarating si Andre sa nasabing photo shoot.

Ayon sa kanya, aantayin raw niya ang tamang panahon kung kailan magiging maayos na ang lahat at tuluyan nang mabubuo ang kanyang “dream sequence.”

Sabi niya, “While one of my babies wasn’t able to make time, the other one was there.. so what do I do????

“Focus on all these beautiful kids in front of me, right? Right.

“Keeping my eyes on the Lord, while I patiently wait on His time to make ALL things right.

“One thing I know for sure is that Andre loves me. That’s enough for me at the moment.

“That’s more than what I had not so long ago. This mama is keeping it positive. A grateful heart is a blessed heart.”

Nitong nakaraang buwan, umugong ang balitang diumano'y nag-unfollow sa Instagram ang magkapatid na sina Andre at Kobe.

Ngunit hindi naman malinaw kung may tampuhan ang dalawa kahit pinabulaanan ito ni Benjie sa PEP Troika at sinabing "meron silang private account," kung saan pina-follow pa rin nila ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ Andre at Kobe Paras, walang hidwaan, ayon sa ama nilang si Benjie


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN