John Estrada advises daughter Inah de Belen not to rush marriage plans

IMAGE Courtesy: @john_estrada on Instagram

John Estrada has come to grips with the reality that his daughter Inah de Belen will eventually settle down: "It's a circle of life, di ba? Ganun talaga yun, e. Inevitably, she will settle down, whether I like it or not."


Hindi na ikinagulat ni John Estrada ang pagpasok sa relasyon ni Inah Estrada, ang isa sa mga dalagang anak niya kay Janice de Belen.

“Hindi naman gulat,” pahayag ng '90s actor.

“Siyempre, ilang taon na rin ang anak ko.

“Nagpapahiwatig na, 'Baka 'eto na yun.'

“Sabi ko, 'Hindi. Mag-enjoy lang muna kayo.'

“Kasi ang daling mag-asawa. Ang dali, di ba?”

Ibig ba niyang sabihin, nagpapahiwatig na si Inah sa pagnanais niyang magpakasal sa nobyo niyang si Jake Vargas?

Sagot ng seasoned actor, “Hindi naman [nagpapahiwatig], pero alam mo namang doon papunta yun, e.

“Ilang taon na yung anak ko.

“Sabi ko, 'Hindi, huwag naman.'

“'Mag-ano kayo, pumunta kayo sa iba’t ibang lugar. Explore.'

“'Malay niyo next year sawa na kayo sa isa’t isa, iba naman.'”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa presscon ng Victor Magtanggol sa studio 7 ng GMA-7 noong Lunes, July 23.

Gaganap si John sa role niya bilang si Loki, ang kontrabida character ng bidang si Alden Richards na siyang gumaganap sa title role bilang si Victor Magtanggol.

MEETING JAKE

Ibinahagi ni John ang pagkikita nila ni Jake sa isa sa mga shows ng GMA nang mag-guest siya dito.

Lahad niya, “Na-meet ko na si Jake, nag-guest ako sa Pepito Manaloto.”

Nakapag-usap ba sila ni Jake noon?

Pakli niya, “Hindi, e. Walang chance.”

Pinuntahan ba siya ni Jake sa dressing room niya?

Aniya, “Oo, pinuntahan naman.”

Gusto mo bang kausapin si Jake?

Nag-isip muna si John bago sumagot, “Well, when the right time comes.

“I don’t think this is the right time yet.”

RESPECTING INAH'S DECISION

Kung sakaling mag-desisyon si Inah na magkaroon na ng sarili niyang pamilya, tatanggapin daw ito ni John.

Pag-amin niya, “Well, ganun talaga, e.

“It’s a circle of life, di ba? Ganun talaga yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inevitably, she will settle down, whether I like it or not.”

Sa pagkakaalam ni John, pangatlong boyfriend na ni Inah si Jake mula noong magsimula itong ma-in love.

Tumanggi na lang itong magsalita pa tungkol sa personal na buhay ng kanyang anak.

NOT A STRICT DAD

Ngayon daw niya nari-realize na hindi pala siya istriktong ama gaya ng nais niya noong mga bata pa ang kanyang mga anak kay Janice.

Komento niya, “Akala ko, [strict dad ako].

“Sa unang apat kong anak, akala ko istrikto ako.

“May paglulugaran din pala yung pagiging istrikto ko.

“Hindi pala siya yung…

“Nung bata pa yung mga yun, sinasabi ko sa sarili ko, magiging mahigpit akong tatay, kasi nga babae lahat.

“Pero nong lumaki na sila parang… katulad ni Inah, may Jake.

“Medyo hindi naman ako yung, ‘Oo, sige, okey yan!' Hindi naman.

“But sa tingin ko, kailangan kong maintindihan kung saan nanggagaling yung anak ko, e.

“Kailangan kong maintindihan kung bakit siya nagmamahal.

“Anak ng tokwa talaga, o!” pabiro niyang bulalas bilang pag-express ng frustrations ng isang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN