Sofia Andres raring to make showbiz comeback: "I'm mentally, physically ready!"

IMAGE Courtesy: @iamsofiaandres on Instagram

Sofia Andres says she's ready to face the cameras again after her self-imposed hiatus due to her anxiety disorder: "Yes finally, super happy! At least, now I'm more ready. I'm mentally, physically ready."

 


Balik-Bagani na muli si Sofia Andres bilang si Mayari, at marami sa mga tagahanga ng aktres ang natuwa sa balitang ito.

Pansamantalang namahinga si Sofia sa showbiz dahil na rin sa pinagdaanan niyang anxiety attack.

Halos ilang buwan ding nag-lie low si Sofia pagkatapos nitong mapanood sa seryeng Pusong Ligaw ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa aktres sa set visit ng Bagani sa Bulacan nung nakaraang Miyerkules, July 25, isang masayang Sofia ang humarap sa amin na nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko sa muling pagbabalik niya sa Bagani.

Lahad niya, “Yes finally, super happy!

“At least, now I’m more ready. I’m mentally, physically ready.

“Sobrang happy nila [fans] saka sa Twitter world.

“Overwhelmed ako na masaya talaga sila na panoorin ang Bagani, plus bumalik din ako.

“Trending talaga, very happy.”

KONTRABIDA ROLE

Ibang-iba ang karakter na ginagampanan niya ngayon sa Bagani bilang si Mayari, dahil ngayon pala ay kontrabida na rito si Sofia.

Kuwento niya, “I’m the killer now sa Bagani so medyo interesting yung character, at isa na siya sa mga kontrabida sa show.

“Very opposite. Nung una, peacemaker si Mayari.

“Ngayon, siya na yung gumagawa nung gulo.

“Marami, marami lalo na sa character ko.

“Abangan nila kung sino ang susunod kong papatayin.”

REALIZATIONS DURING SHOWBIZ HIATUS

Sa pansamanatalang pamamahinga sa showbizness ni Sofia, sobrang na-miss daw ng aktres ang pag-arte at napatunayan niya kung gaano niya kamahal ang industriya.

Pag-amin niya, “Oo, sobra, as in!

“Sobrang na-miss ko pati ang mga tao na talagang tumutulong sa akin.

“Saka parang dito talaga ako naka-destine. I feel like ito talaga siya.

“Realizations? Ang dami.

“If titigil ako, saan kaya ako pupunta?

“If di ako naging actress, ano kaya?

“Honestly wala akong maisip.

“Ito na yung kinalikahan ko, but I still have to know, kasi it’s not forever naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But for now I’m enjoying this. Dito talaga ako masaya.”

GETTING TO KNOW HERSELF BETTER

Para kay Sofia, ang pagla-lie low niya ay naging daan para makapag-isip at maalagaan ang sarili.

Sa ngayon nga ay mas alam na ng aktres kung paano i-handle ito.

“I think binigyan talaga ako ni Lord ng time to rest and to think about it well, to take care of myself.

“At least, now ready na ang buong pagkatao ko to work again, to see the people around na nagwu-work din.

“Heto bumalik na ako.

“Alam ko na how to handle it properly," pagmamalaki niya.

HANDLING DEPRESSION

Ilang araw ang nakalipas mula noong nabalitang bumalik muli sa paggamit ng drugs ang international singer na si Demi Lovato, na dumaan din sa depression.

Tinanong namin si Sofia kung ano kaya ang payo na maibibigay niya sa ilang tao na dumadaan din sa ganitong sitwasyon?

Sabi niya, “Ano lang... prayers lang, psychologist, therapist.

“Mind kasi talaga is very powerful, e. You have to control it also.

“Parang subconscious yan na parang you have to make this problem, kailangan mo itong isipin, kailangan mo itong gawin.

“Before, honestly I tried to kill myself through sleeping pills but I got scared.

“Nandun pa rin si God na nagsasalita, 'tapos biglang may... mahirap, mahirap siya.”

LOVE LIFE

Hindi raw nagustuhan ni Sofia ang sinabi recently ng kanyang kaparehang si Diego Loyzaga na meron na raw bagong boyfriend si Sofia.

Read: Sofia Andres offended by Diego Loyzaga's claim she has a boyfriend

“Hayaan ninyo muna siyang magpahinga. Nasaktan, e.

“Okay lang kahit work muna. Move on? Of course, di na siya ligaw,” pagtukoy niya kay Diego.

Sa ngayon ay ayaw munang pumasok sa panibagong relasyon si Sofia dahil mas gusto niya munang tutukan ang kanyang career.

Aniya, “Wala nga pero okay lang. Date? Yeah, but not really that serious pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He knows I’m working also and he’s also busy with studies.

“Non-showbiz. Mahirap pag taga-showbiz. Ayoko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN