Kapamilya actor Khalil Ramos finally admits dating Kapuso star Gabbi Garcia

IMAGE Courtesy: @thekhalilramos on Instagram / Noel Orsal

Kapamilya actor Khalil Ramos admits dating Kapuso actress Gabbi Garcia, and hopes that their relationship will level up in due time.

 


Umamin na ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos na nagdi-date sila ng Kapuso star na si Gabbi Garcia.

Sa panayam ni Boy Abunda sa aktor sa programa nito sa ABS-CBN na Tonight With Boy Abunda kagabi, July 27, inamin na nitong lumalabas-labas sila ng Kapuso actress.

Diretsong tinanong ng talk show host si Khalil kung sila na ba ng 19-year-old actress.

Sabi ng 22-year-old star, “Kahit ako mismo I couldn’t answer it with a yes or a no.

“We’re very close and we go out. And, she’s special to me, yes.

“Pero I guess we’re in a stage pa na we’re nothing... we’re not in a rush.”

Ayon pa kay Khalil, hindi naman daw nito masasabing “exclusively dating” sila, pero nilinaw din niya, “I’m not dating any other girls.”

Umaasa siyang ganun din daw sana ang turing ni Gabbi sa relasyon nila.

HOW IT ALL STARTED

Una raw silang nagkakilala ni Gabbi sa 18th birthday ni Julia Barretto noong 2015.

Matalik na magkaibigan ang dalawang aktres.

Naging malapit naman sila nitong nakaraang taon nang idirek niya ang music video ni Gabbi sa Hong Kong.

Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, nagdidirek na rin ngayon ng mga music videos si Khalil.

At ang una nga niyang ginawan ng music video ay ang kanta ni Gabbi na "All I Need."

Huling na-link romantically si Gabbi sa ka-loveteam niya sa GMA-7 na si Ruru Madrid.

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN