Dingdong Dantes lauds Arnell Ignacio for prompt action on OFW case

IMAGE Courtesy: Dingdong Dantes Facebook page

Dingdong Dantes (right) praises Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio (left) for immediately addressing the urgent concerns of a distressed OFW: "Iba si Arnell. Komedyante. Public servant. Action man. Isa siyang living example ng responsiveness at efficiency na ilan sa pillars ng mabuting pamamahala o good governance."


Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Dingdong Dantes kahapon, July 26, sa kanyang Facebook account.

Inilahad ni Dingdong kung paano naging mabilis ang aksyon ng dating komedyante at kasalukuyang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio nang lapitan niya ito tungkol sa problema ng isang OFW.

Pinuri ni Dingdong si Arnell at labis ang pasasalamat niya rito.

Ito ay sa kabila ng may sampung taon na raw silang hindi nagkikita.

Binisita ni Dingdong sa tanggapan niya si Arnell na agad daw niyang niyakap.

Narito ang kabuuang Facebook post ni Dingdong:

"Halos 10 years na kaming di nagkikita ng kaibigan kong si Arnell Arevalo Ignacio. Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataong bisitahin siya sa kanyang opisina noong July 13, agad ko siyang niyakap hindi lang dahil sa pagka-miss kung hindi dahil sa lubos na pagpapasalamat.

"Nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Jude Santos, noong July 5, tungkol sa kapatid ng kaniyang kasambahay na isang OFW. Siguro, ako ang napili niyang tawagan dahil napanood niya ang isa sa mga episode ng Tadhana, kung saan gumanap ang aking asawa under my direction (naks!).

"Ayon kay Jude, sinasaktan, hindi pinapakain, kinukulong, at hindi pinapasahod si Jesusa ng kanyang employer sa Jordan. Upon hearing this story, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tinawagan ko si Arnell na kasalukuyang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

"Ang OWWA ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE na nangangalaga sa kapakanan ng ating mga OFWs at sa kanilang mga pamilya. Kabilang sa kanilang mga programa ay ang pagbibigay ng social work and legal assistance, Information Technology at TESDA-accredited trainings, loan programs, at iba pang services, na pinamumunuan ng kanilang Administrator na si Ser Hans Leo J. Cacdac.

"Arnell immediately responded to my early morning message on July 9. On the phone, he was still his old self — witty, kwela and straight to the point. Matapos ang kamustahan, agad naming pinagusapan ang kaso ni Jesusa. At pagkalipas lamang ng ilang oras, on that same day, agad akong tinawagan ni Arnel para ibahagi ang magandang balita— makakauwi na si Jesusa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ganun na lang ang yakap ko kay Arnell nung nagkita kami. Yakap ng pasasalamat sa napakabilis na aksyon.

"Sa mga pagkakataong ito, mapapatunayang napakaraming kapuri-puring mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Marami kasi sa ating sawa na sa mga problemang napapanood at napapakinggan sa balita. Yung iba, mapang-abuso; yung iba— sakto lang; yung iba, olats talaga.

"Pero iba si Arnell. Komedyante. Public servant. Action man. Isa siyang living example ng responsiveness at efficiency na ilan sa pillars ng mabuting pamamahala o good governance.

"I may not agree with some of our administration’s policy directions, but i want to give credit where credit is due. So, to our government people who are under the radar na ginagawa talaga ang trabaho nila, salamat sa inyo.

"I also want to bring the spotlight back to our OFWs. Tulad kong may kapatid na nakipagsapalaran sa ibang bansa, nakakatuwang malamang mayroong kakampi ang ating mga kababayang nagtitiis na mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay para magtrabaho at baguhin ang kapalaran ng kanilang pamilya.

"Noong July 22, barely a month after Arnell received the call for help, Jesusa had arrived home.

"Arnell, I am deeply moved by your swift, silent, and sincere action. Talo pa ng blockbuster drama ang epekto mo sa akin at sa kaibigan kong si Jude. Paano pa kaya ang epekto mo kay Jesusa, sa kanyang 26 years old na anak, sa kanyang 9 na kapatid, at sa lahat ng natutulungan ng inyong ahensya.

"I believe that we have good institutions. But the full realization of the purpose of these institutions will only be made possible if we have competent, compassionate and people with integrity, who are leading and serving the public.

"Mabuhay ka Arnel Ignacio. Mabuhay ang mga kapatid nating OFWs. Mabuhay ang bayani ng mga bayani."

(Posted with Jesusa’s consent)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN