Pancho Magno, Max Collins put baby plans on hold

IMAGE Screen capture from Victor Magtanggol

Kapuso actor Pancho Magno explains why he and wife Max Collins agreed to put their baby plans on hold: "Since we got married noong December 2017, hindi pa kami nakapagpahinga sa work namin. Parating may trabaho kaming dalawa ni Max at hindi nga kami minsan nagkikita sa bahay, kasi magkaiba ang taping days namin."


Next year pa raw ang baby project ng mag-asawang Pancho Magno at Max Collins dahil inuuna raw muna nila ang makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

Kaya naman hindi tumitigil ang mag-asawa sa pagtrabaho kahit na halos hindi na nila naaabutan ang isa’t isa sa kanilang tahanan.

“Since we got married noong December 2017, hindi pa kami nakapagpahinga sa work namin.

“Parating may trabaho kaming dalawa ni Max at hindi nga kami minsan nagkikita sa bahay, kasi magkaiba ang taping days namin.

“Kahit naman hindi kami nagkikita sa bahay, we make it a point to communicate.

“Kapag ako ang nasa bahay at nasa taping siya, meron namang Facetime para magkumustahan kami.

“Ang important naman sa amin is we still reach out sa isa’t isa para wala kaming nami-miss with one another,” kuwento ni Pancho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA-7 telefantasya na Victor Magtanggol noong nakaraang July 23 sa GMA Annex Studio.

WEEKEND BONDING

Tuwing Sunday lang daw silang nagkakasamang mag-asawa dahil importante na nagsisimba silang dalawa.

Lahad niya, “Sunday is our rest day and we go to church together.

“Kaya hindi kami tumatanggap ng guesting kapag Linggo, kasi yun na lang ang araw na para sa aming dalawa.

“Sunday din is the day na bibisita kami kina Mommy [GMA-7 Entertainment TV Vice President Ms. Redgie Magno] at kung may time pa, mamasyal kami or watch a movie.

“We make up for lost time sa araw ng Linggo.”

SAVING UP FOR DREAM HOME

Sa isang townhouse nakatira ang mag-asawang Pancho at Max, kasama ang nakababatang sister ni Max.

Kaya pinag-iipunan nila nang husto ang dream house nila.

“Iba na rin kasi yung may sarili kaming bahay ni Max.

“Kapag na-fulfill na namin iyon next year, doon na kami magsimulang mag-plan for a baby.

“Hindi naman kami nagmamadali ni Max na magkaroon agad ng baby kasi gusto rin naming mag-travel sa mga places na hindi pa namin napupuntahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may baby na kasi, siyempre, priority na iyon.

“Kaya habang wala pa, we want to travel the world,” diin pa ni Pancho.

DREAM ROLE

Kasama si Pancho sa telefantasya na Victor Magtanggol kunsaan gumaganap siya bilang ang Norse God na si Modi, ang anak ni Thor na gustong bawiin ang mighty hammer o ang Mjolnir mula sa mortal na si Victor na ginagampanan ni Alden Richards.

Kumpara raw sa role niya sa Encantadia, mas challenging daw ang binigay na character sa kanya sa Victor Magtanggol.

“Mahilig ako sa magbasa ng mga mythology, kaya interesting ang show namin.

“I actually did my own research on my character na si Modi.

“Gusto pa nga nila na magpalaki pa ako ng katawan, kaso baka mahirapan naman ako kasi mabigat na ang costume.

“Baka hindi na ako makakilos nang tama sa mga fight scenes.

“We all trained sa iba’t ibang stunts para sa show namin.

“Kami nila Alden, Andrea [Torres], Janine [Gutierrez] at si Sir John [Estrada], minsan sabay-sabay kaming mag-workout at mag-training.

“Mas challenging ito kesa sa naging role ko sa Encantadia.

“Mas marami akong ginawang stunts dito sa Victor Magtanggol na medyo delikado, pero nandoon pa rin ang pag-iingat natin.

“Tsaka, feel na feel ko ang costume ko.

“Once na masuot ko na siya for a scene, ramdam mo agad ang character mo.

“Sa ngayon, we all shoot via green screen for the action scenes.

“Ang galing lang kasi para kaming nasa isang computer game.

“'Tapos, ang ganda ng special effects at ng mga costumes.

“We all know na worth it ang pagod namin kasi bata’t matanda, matutuwa sila sa mapapanood nila sa Victor Magtanggol,” pagmamalaki ni Pancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN