Ronnie Alonte confirms playing for Team Daniel for 2018 Kapamilya Playoffs

IMAGE Instagram

Hashtags member Ronnie Alonte (shown with Loisa Andalio) confirms that he will be joining Team Daniel for this year's Star Magic All-Star Kapamilya Playoffs scheduled for August 19 at the Araneta Coliseum.


Kumpirmadong makakapaglaro nang muli si Ronnie Alonte para sa Star Magic All-Star Kapamilya Playoffs sa naka-schedule sa August 19 sa Araneta Coliseum.

Noong mga nakaraang linggo kasi ay napabalitang baka hindi makapaglaro si Ronnie dahil sa kanyang knee injury.

Isa si Ronnie sa tumawag pansin sa 2017 Star Magic All-Star Game dahil sa ipinakita nitong husay sa paglalaro ng basketball.

Ito ang naging daan para makasama siya sa mythical 5 kabilang sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, Young JV at Daniel Padilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Ronnie sa nakaraang practice ng Team Daniel na ginanap sa Tivoli Royal clubhouse nung nakaraang July 25, nagkuwento ang aktor na ang mga tagahanga na naghihintay na mapanood siya sa taunang basketball game ng Star Magic ang naging rason kung bakit pinilit niyang makasali pa rin sa kabila ng iniindang injury.

Lahad niya, “Oo, kasi nakaka-tempt din ang mga tao.

“Kasi kapag nagti-Twitter ako, nakikita nila, 'Bakit si Ronnie di maglalaro?'

“Ako nalulungkot naman.

“Yung mga tao ang nakakapagpasaya sa akin kaya pinilit kong mag-training, magpa-therapy.

“Nagpa-PRP [platelet-rich plasma] injection para mamanhid na and 60% fast recovery ng mga injuries ko.

“After ng game, ooperahan na siya.”

NOT RISKY

Agad naming tinanong si Ronnie kung hindi kaya delikado na pipilitin niyang maglaro imbes na ipahinga na lang niya tulad ng payo ng doktor.

Sabi niya, “Madami naman daw siyang hawak na mga basketball players na ganun ang ginagawa.

“After the season, dun nagpapaopera.

“Nalalaro naman, basta kundisyon na kundisyon lang yung legs.

"Ang kinakatakot ko lang kaya medyo lie low ako maglaro, kasi may tendecy pa, kasi putol na ang ligaments ko, yung pangsuporta tanggal na.

“So anytime, puwede siyang bumigay nang malala talaga.

“Mas malala pa, kaya sabi nila mag-ingat ako.

“Wag naman sana, kaya nagpapakundisyon ako nang todo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DELIBERATE INJURY

Kinuwento naman ng Hashtag member na sinadya talaga ng isang nakalaro niya sa isang paliga ang tinamong injury.

“Tinira ako sa basketball, e. Ligang labas.

“Naglalaro kasi ako ng ligang labas sa amin kasi yun ang kinalakihan ko talaga, so sanay ako dun.

“Bigla namang di ko alam, may mga naiinggit na tao.

“Sadya siya, kasi ang ACL [anterior cruciate ligament], kusa yang umaatake.

“Anytime puwede kang nagdi-dribble lang, pero yung sa akin, yung injury ko parang sa rugby, sa mga football players, sa banggaan, so talagang sinadya."

LEGAL ACTION?

Sa injury na dinaranas niya ngayon, hindi ba niya napapag-isipang idemanda ang gumawa nito sa kanya?

"Sabi ko, kung di talaga ako makakapagsayaw at makakapaglaro, puwede kong idemanda yung lalake.

“Pero dahil wala din naman akong magagawa, basketball, baka sabihin iyakin ako at dinemanda ko
siya.

“Okay naman saka okay naman ako, nakakasayaw ako, nakakapag-basketball naman ako,” kibit-balikat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN