Matteo Guidicelli happy about Sarah Geronimo's independence

IMAGE Courtesy of Random Republika

Matteo Guidicelli on girlfriend Sarah Geronimo: "She's becoming a wonderful woman and very independent, so I'm very happy."


Marami ang kinilig sa sweet na Instagram post ni Matteo Guidicelli sa kasintahang si Sarah Geronimo para sa ika-30 na kaarawan ng Pop Princess.

Hiling nga ng mga AshMatt fans, sana ay mauwi talaga sa kasalan ang relasyon ng dalawa lalo’t ilang taon na rin ang tinatakbo ng relasyon ng mga idolo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo sa nakaraang set visit ng Bagani na ginanap sa Tabang, Bulacan noong nakaraang July 25, masaya siya sa nakitang mga positibong pagbabago ngayon sa kasintahan.

Saad niya, “I wish her all the best, she knows that naman.

“She’s becoming a wonderful woman and very independent, so I’m very happy.”

Sa isang buwang bakasyon na hiniling ni Sarah mula sa Viva pagkatapos ng sunud-sunod nitong trabaho, madalas na makitang kasama nito si Matteo at ang pamilya ng aktor sa ilang lakaran.

Ayon nga sa Bagani actor, maayos ang tinatakbo ng relasyon nila ng girlfriend.

“Okay naman, okay naman ang lahat. We’re good, very good.

“Katatapos lang ng movie [Miss Granny], August 22 yata ang airing ng movie niya so nood tayong lahat,” yaya niya.

INDIE FILM

Abala ngayon si Matteo sa taping niya para sa Bagani, pero bukod dito ay may tinatapos din pala itong isang indie film.

Pagmamalaki ng aktor, kakaiba raw ito sa mga nagawa na niyang pelikula.

Aniya, “I’m shooting an indie film while I’m doing Bagani.

“Our director is a director from Cebu, his name is Kerwin Go.

“It’s his first full-length movie, yung ginagawa namin.

“Iba yung kuwento. It’s out of the box, the characters especially. So it’s interesting.”

THANKFUL FOR BAGANI ROLE

Agad ding pinabulaanan ni Matteo ang bali-balitang malapit na raw matapos ang Bagani.

Paniniguro ng aktor, marami pang dapat abangan na mangyayari sa kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Di ko pa alam, I don’t think so.

“Basta magagandang mga eksena mangyayari, marami pa.

“Bumalik na si Mayari at maraming duguan, maraming away.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Matteo sa Bagani, dahil dito ay nahasa ang pagta-Tagalog niya.

Pag-amin niya, “I guess yung Tagalog ko gumaling.

“Siyempre yung Tagalog dito sa Bagani, ang hirap ng dialogue dito, sobrang lalim ng Tagalog.

“It’s a challenge but it’s nice din na makatrabaho natin ang iba’t ibang mga artista, LizQuen uli, masarap silang katrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN