Are Dave Bornea and Divine Aucina more than just friends?

IMAGE Dave Bornea Facebook account

Divine Aucina on Dear Uge co-star Dave Bornea: "Ramdam kong babaeng-babae talaga ako kay Dave. Nakakababae talaga at kinikilig ako! Ano ba?! Di ba gano'n naman ang hanap ng lahat ng babae sa isang lalake? Yung mabait at marunong mag-alaga."


More than friends lang ba ang turingan ng Kapuso comedienne na si Divine Aucina at ng Kapuso hunk na si Dave Bornea?

Noong nakaraang 27th birthday ni Divine noong nakaraang July 24, nag-post si Dave sa kanyang Facebook account ng isang very sweet birthday message para sa co-star niya sa comedy anthology na Dear Uge.

Sinamahan pa niya ito ng mga photos at video nila ni Divine kunsaan naglalambingan sila sa set ng Dear Uge.

“Hi Pangga! Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang pinaka maganda at special na bagay na binigay ng Itaas sa akin! Pangga sa birthday mo na to ang pwede ko lang maibigay ang tunay na pagmamahal ko para sayo. Wish you all the best pangga! Mahal na mahal kita pangga! ?Divine Grace,” caption pa ni Dave.

Nagbabakasyon si Divine sa Bali, Indonesia nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via direct messaging ng Facebook.

Kinilig nga raw siya nang mabasa niya ang birthday message sa kanya ni Dave.

“Yung post ni Dave? Ahh... eh, wala yun!

“Kinilig ako, siyempre.

“Gusto ko na nga nun mag-book agad-agad pabalik ng Pilipinas!

“Parang gusto kong i-surprise si Dave ng ‘I'm back Pangga, huwag mo na ako ma-miss!’ tapos hug, gano’n. Hala siya!” sabay tawa pa ni Divine.

Si Dave ang pinalit kay Jak Roberto na partner ni Divine sa Dear Uge.

Nagulat na lang daw ang dalawa na may mga fans na sila dahil ikinatutuwa nila ang pagiging pakipot ni Divine sa paglalambing ni Dave sa kanya sa show.

“In fairness, ang sweet ni Dave kahit hindi kami nakaharap sa kamera.

“Nakakilig talaga ‘yang si Dave. Guwapo na at ang sweet pa.

“Actually, NAPAKA-sweet!

“Sino ba naman ang hindi kikiligin kay Dave, di ba?

“Sa set namin sa Dear Uge babati yan pagdating, 'Hi pangga ko,' tapos may kasamang hug.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangga kasi in Bisaya means 'iniibig.' Yun ang tawagan namin sa show.

“Nakakaganang pumasok sa trabaho kapag ganyan ang mga kasama mo, di ba?”

Isa pa raw na madalas gawin ng DaVine loveteam ay ang mag-post ng Tiktok Videos.

“Pang-good vibes lang namin iyon habang naghihintay kami ng take.

“Ini-enjoy lang namin ang mga time na nagkakatrabaho kami.

“Kasi baka balang araw, biglang maging busy na si Dave tulad ni Jak.

“Baka palitan ulit ako ng partner.

“At least, heto may mga magagandang memories kami ni Pangga na masarap balik-balikan,” sabi ni Divine.

DAVE'S ENDEARING TRAITS

Masasabi lang sa ngayon ni Divine na sobrang close sila ni Dave.

“Iba rin kasi kapag may kaibigan kang lalake.

“Yung friends lang kayo at maasahan mo siya kahit anong oras.

“Alam ko naman andyan lang si Dave sa tabi-tabi.

“Kasi si Dave talaga makikita mo sa kanya na siya yung lalakeng mamamahalin ka nang buong puso.

“Nakikita ko yan kung paano niya ako itrato sa set.

“Napaka-gentleman.

“Sasabihan niya ako kapag biglang nahulog yung strap ng damit ko.

“Tatanungin niya ako kung kumain na ba ako. At magti-text pa yan kung nakauwi na ba ako.

“Ramdam kong babaeng-babae talaga ako kay Dave. Nakakababae talaga at kinikilig ako!

“Ano ba?! Di ba gano’n naman ang hanap ng lahat ng babae sa isang lalake?

“Yung mabait at marunong mag-alaga.

“Yun talaga ang nakakakuha ng loob at puso ng babae at the end of the day.

“Kaya sana mag-end of the day na. I can't wait, di ba?

“Mga gano'ng bagay-bagay na para sa iba, wala lang, pero sa iba, maa-appreciate.

“May kilig. Nakakaganda ng aura.

“Kaya ang saya-saya ng birthday ko.

“Nag times 100 dahil sa birthday message ni Dave sa akin,” masayang kuwento pa ni Divine.

BUCKET LIST BIRTHDAY TREAT

Anyway, pinili ni Divine ang mag-celebrate ng kanyang birthday this year sa Bali, Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na raw niyang gustong puntahan at iyon na raw ang birthday treat niya sa sarili.

Masayang kuwento niya, “Kasama ko ang best friend ko sa Bali, na kasama sa bucket list ko.

“Itong taon na ito, lalo na last year, grabe naman ang trabaho ko kaya pinush ko na yung Bali.

“Reward-reward din sa sarili pag may time.

"Mag eat, pray, love din ako katulad ni Julia Roberts or pwede ding trabaho-ipon-travel, o di ba? Millenial na millenial. Ganern! 

“Masaya talagang mag-travel, kaya habang kaya ko pa dapat mag-travel and explore at matuto.  

“Kasi sabi nga learning is not confined within the four walls of a classroom. Kaya looking forward to more travels ako!”

FEELING AT HOME IN BALI

Nakipagtsikahan nga raw si Divine sa mga locals doon at naramdaman niya ang pagiging mababait ng mga tao roon.

“Actually, napagkakamalang Indonesian ako doon.

“Kulang na lang doon na din ako bumoto!

“May time na habang nasa beach kami na puno ng turistang naghihintay ng sunset, yung mga Balinese vendors sa table ko lumalapit, nag-uusap kami.

“Para kaming magkakapit-bahay.

“Kala mo walang language barrier. Feeling ko, belong ako sa community nila.

“Ang saya ng ganung feeling, nakaka-happy lang.

“Tsaka napaka-artsy ng lugar, mababait yung mga tao, at ang daming pogi!

“Grabe nagkalat sila doon! Bakit gano’n doon? Ako na ang sumuko!

“Lagi akong may baong atsara sa bag pangkontra umay sa mga poging turistang naka-topless, boardshorts tapos may hawak na surfboard tapos wet look!

“Jusme! Baka magalit si Dave!” malakas na tawa pa ni Divine.

BIRTHDAY WISH

Simple lang naman daw ang birthday wish ni Divine.

Pagpapasalamat niya, “Yung birthday wish ko po natupad na.

“Pero meron pa… love, positive vibes and more projects and career opportunities sa TV, pelikula, stage.

“More more work!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN