Rochelle Pangilinan enjoys domestic bliss with hubby Arthur Solinap

IMAGE Noel Orsal

Rochelle Pangilinan delights in the simple joys of doing things together at home with her husband Arthur Solinap: "Kasama mo kahit magsampay, kahit maliliit na bagay, magluto."


Isang taon nang kasal sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa August 8, 2018.

Mismong ang Kapuso actress ay hindi makapaniwalang napakabilis lumipas ng isang taon.

Napakasarap daw pala ng buhay may asawa.

“Kung pupuwede lang i-suggest sa iba na mag-asawa na rin sila,” natawang sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Onanay sa Le Rêve Events Place noong July 26.

Ayon pa kay Rochelle, “Ang tagal kong namuhay na ako lang mag-isa.

“'Tapos, minsan dinadalaw lang ako ng nanay ko, mga kasambahay lang ang kasama ko.

“Ito yung talagang iba, e. Totoo yung concern sa ‘yo.

“Well, hindi ko naman sinasabing hindi totoo ang concern ng iba.

“Pero ito kasi yung asawa mo talaga. Masasabi mo talagang makakasama mo siya habambuhay.

“Kasama mo kahit magsampay, kahit maliliit na bagay, magluto.”

Napagdadaanan din naman daw nila ang normal na pinagdadaanan ng mga mag-asawa.

“Siyempre, pinagdadaanan din namin.

“So kami, sabi nga ni Art, ini-enjoy namin. Nae-enjoy namin,” dagdag niya.

GETTING TO KNOW EACH OTHER BETTER

Matagal na naging magkarelasyon sina Rochelle at Arthur bago nila naisipang magpakasal.

Meron pa rin ba siyang mga bagong nadiskubre rito sa isang taong pagsasama nila?

Lahad niya, “Akala ko wala siyang pasensiya, pero mahaba pala ang pasensiya niya.

“At saka, puwede pala siyang utusan.

“Pero ang palagi lang niyang reklamo, masyado akong O.A. sa bahay, sa linis.

“E, ano ang gagawin, hayaang marumi?” natawang sabi niya.

“Pero sabay lang naming pinagdadaanan lahat.

“Kung anuman yung hindi pagkakaintindihan, pagkakaunawaan, at the end of the day, bago kami matulog—ang sarap ‘no, nasasabi ko na natutulog kami nang sabay?...

“Bago kami matulog, pinag-uusapan namin ang hindi namin napagkasunduan, ano ang puwedeng gawin.”

BABY PLANS

Biniro naman namin si Rochelle na bakit tila puro “talks” lang silang mag-asawa, walang “action?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan ma-action,” sabi naman niya.

“Minsan lang kasi, ang taping niya ngayon ng Pepito Manalotto at saka taping ko, taliwas.”

Paano sila makakabuo ng baby?

“In God’s perfect time.

“O, hashtag namin noong wedding yan, di ba?” natatawa pa ring lahad ni Rochelle.

Hindi naman daw nila pinaplano ang kahit na ano pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Handa naman daw silang mag-asawa kung bibigyan na nga sila.

Sabi pa ni Rochelle, “Sabi namin, kung mabubuntis ako, alam ko na bigay ni God yun.

Diin niya, “Alam din naman natin na blessing talaga ni Lord yun.

“Hindi rin naman kami nag-iingat.

“Hindi rin naman kami gumagamit ng mga contraceptives.

“Pero kaming dalawa e, kung ibibigay niya, ibibigay niya talaga.”

ANNIVERSARY PLANS

Natatawang kuwento pa ni Rochelle nang kamustahin namin sa magiging selebrasyon nila ni Arthur ng unang anibersaryo nila ng kasal, nabuking daw niya ang tila surpresa ng mister niya.

“Narinig ko, nagbu-book na siya,” natawang sabi niya.

“Aminado naman ako na mas sweet talaga si Art kesa sa akin.”

Dugtong pa niya, “Actually, ako nga kahit Tagaytay, okey lang para hindi na siya mapagod.

“Kasi, alam naman nating effort sa kanya ang eroplano.”

May phobia kasi si Arthur sa pagsakay ng eroplano kaya kapag kinakailangan nitong umalis, talagang pinaghahandaan nang todo ang pagsakay.

WORKING WITH THE SUPERSTAR

Kasama si Rochelle ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Onanay na magsisimula na sa August 8.

Dream come true raw para kay Rochelle ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Kuwento ni Rochelle, “Ganun yun, e.

“Kung ano ang naririnig mo sa nanay mo, kung ano ang pinapanood ng nanay mo, yun din ang pinapanood mo, e.

“Kaya nahawa ako.

“Kaya medyo may alam ako sa kanya.

“At saka, ganito siya ka-fan [ni Nora]...

“Pinuntahan siya ng nanay ko sa Monumento bilang taga-Malabon kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinuntahan siya sa Monumento para lang makita siya.

“Kasi alam ko, dati ang promo ng movie, sa movie house yata.

“So, pinuntahan siya ro’n at hindi makalimutan ni nanay yung skin niya, yung face niya.

“Pinagpi-pray ko pa na sana lumapit-lapit ang location namin para makarating si Nanay sa set.”

Tumili raw ang nanay niya nang malamang kasama nga niya si Nora sa bagong primetime series.

“Naku, tumili siya.

“As in, tiling-tili.

“Sa ibang artista, hindi naman siya ganun,” kuwento niya.

“Pero ganun talaga siya sa iba, like kay Tita Dulce, kapag nakikita niya, uma-avid fan siya sa mga ganun.”

Si Rochelle ang gumaganap bilang si Sally, ang mabait at supportive na kababatang kaibigan ni Onay (Jo Berry).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN