Ryan Eigenmann responds to basher insisting he is in love with Liza Soberano

IMAGE @ryaneigenmann421 on Instagram

Ryan Eigenmann responds to a                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           basher insisting that he is in love with Bagani female lead star Liza Soberano.


Sinagot ni Ryan Eigenmann ang isang basher na nagpupumilit na "in love" siya kay Liza Soberano.

Ito ay matapos mag-comment si Ryan sa isang post ni Liza na outtake mula sa isang madugong eksena sa prime-time series na Bagani, kung saan sila nagkatrabaho.

Si Liza ay isa mga bida ng palabas, habang dating kontrabida dito si Ryan bago pinatay ang kanyang karakter.

Sabi ni Ryan, "Cut yourself shaving?"

Ang netizen na may handle na @lizasoberanooo87 ay agad na nag-reply sa comment niya at tinanong na "are you in love with Liza? Aminin"

Hindi pa man nakakasagot si Ryan ay nag-comment ulit ang netizen at sinabing "bagay kau ni @lizasoberano"


Nag-post pa ng hiwalay na comment ang netizen bukod sa mga reply nito sa comment ni Ryan sa post ni Liza.

Ang sabi ng basher, "you in love with @lizasoberano"

Dito na sumagot si Ryan.

Tugon niya sa paratang ng basher, "nag-comment lang in love na agad? Anong kabobohan yan? So ikaw nag-comment sa kin in love ka din? GTFO!"


Nag-reply din si Ryan sa mga naunang comment ng basher.

Sagot niya, "ako? Mahal ako ng nanay ko... ikaw daw sana pinahid na lang sa tshirt..."


Natawa naman ang ilang fans ni Liza sa mga reply ni Ryan sa basher:



Si Ryan ay matagal nang kasal sa asawa niyang si Cathy Bordalba, habang si Liza naman ay matagal nang nali-link sa ka-love team nitong si Enrique Gil.

#BAGANIKumawala ctto daw hahaha @dimplesromana ????

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN