Janine Gutierrez admits bashing made her feel nervous about tandem with Alden Richards

IMAGE @qurator_studio on Instagram

In case some fans will continue bashing Janine Gutierrez, she says, "...kung meron mang konting pamba-bash, hindi na mahalaga."


Napupuri si Janine Gutierrez ng mga netizens dahil sa mahusay at class na pagsagot niya sa bashers.

"Talaga ba? Bihira lang naman akong sumagot," ang sabi ng dalaga.

Pero sa iilang beses na sumasagot si Janine ay naipapakita nito sa bashers at sa publiko na edukada siya at hindi palapatol.

"Nakakatuwa! At saka I feel very lucky kasi wala pong masyadong namba-bash. E, iyon naman po yung ikinaninerbiyos ko talaga dati."

Nang dahil sa social media, nagkaroon ng platform ang fans para ipaabot ang kanilang saloobin.

Sa kaso ni Janine, in-expect nitong magkakaroon siya ng bashers dahil loyal ang mga supporters ni Alden Richards, ang male lead ng Victor Magtanggol, at ang ka-love team ng aktor na si Maine Mendoza.

Subalit tila sinunod ng fans ang paikusap ng aktor.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, "Pero ngayon na nalalapit na, wala namang masyado."

Bukas, July 30, ang pilot airing sa GMA ng Victor Magtanggol, kung saan gaganap si Janine bilang Gwen Magtanggol.

Sa panayam kay Alden sa presscon ng series noong July 23 sa Studio 7 ng GMA kung saan rin namin nakauasp si Janine, hiniling ng binata sa bashers na siya na lamang ang i-bash, at huwag na si Janine at ang isa pang female star ng Victor Magtanggol na si Andrea Torres.

Ano ang reaksiyon dito ni Janine?

“Thankful. Nung una pa lang, e, nagpasalamat na siya sa amin. Sabi niya, ‘Kung may maramdaman kayong hindi maganda,' nagso-sorry din siya.

“So dun ko din na-realize na kung meron mang konting pamba-bash, hindi na mahalaga. Basta ginagawa namin yung best namin dito, basta okay kaming cast sa isa’t-isa, hindi na mahalaga.

“And nagpapasalamat ako na hindi na rin ako ninenerbiyos, hindi na rin ako nasasaktan sa mga comment, and talagang thankful ako talaga sa mga tagahanga niya na supportive, and sa lahat pa ng mga Kapuso na talagang excited para sa show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga bumubuo ng cast bukod kina Alden (bilang Victor Magtanggol/Hammerman), Janine, at Andrea ay ang mga gaganap na gods na sina John Estrada bilang Loki; Pancho Magno bilang Modi; Miguel Faustman bilang Magni/Magnus, at ang special participation ni Conan Stevens bilang Thor.

Ang Magtanggol family ay binubuo nina Al Tantay bilang Tomas Magtanggol; Chynna Ortaleza bilang Lynette Magtanggol-Domingo; Dion Ignacio bilang Perci Domingo; Lindsay De Vera bilang Anne Magtanggol; Yuan Francisco bilang Meloy Domingo; Reese Tuazon bilang Honeylyn; at si Coney Reyes sa isang importanteng papel bilang Vivienne.

Ang Regalado family naman ay binubuo nina Eric Quizon bilang Hector Regalado; Freddie Webb bilang Renato Regalado; Maritoni Fernandez bilang Alice Regalado, at Kristoffer Martin bilang Lance Espiritu.

Ito ay sa direksiyon ni Dominic Zapata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN