Jericho Rosales explains why people should stop asking "Kelan kayo magkaka-baby?"

IMAGE @jerichorosalesofficial on Instagram

Jericho Rosales: "It's not easy na gumawa lang ng bata dahil yun ang tradisyon at yun ang kultura at yun ang sinasabi nilang magpapatibay sa mag-asawa. Hindi yun."


Lumabas kamakailan ang balitang nao-offend na raw si Jericho Rosales sa paulit-ulit na tanong ng media kung kailan sila magkakaanak ng asawang si Kim Jones.

Maglilimang taon na silang kasal, at kahit ang mga tagahanga ng mag-asawa ay nag-aabang sa magiging baby nila.

Klinaro naman ng aktor sa nakaraang presscon ng pagbibidahang serye, ang Halik, na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS CBN nung July 23, na hindi siya naiinsulto sa mga ganoong tanong. 

Pero gusto raw sana niyang maisip at maikunsidera ng mga tao ang damdamin ng kahit sinong mag-asawa na hindi pa nabibiyayaan ng anak.

Aniya, "Not offended, but I think it’s more of, like, I understand not everyone is informed about the feelings. It’s about being well-informed about the feelings of couples.

"When you ask someone, for example, you casually ask, 'Hey, kumusta? Kailan kayo magkaka-baby?'

"You don’t know what the couple is going through, even if Kim and I are not going through something, but there are couples who can’t make a baby because physically di puwede, or financially di kaya, or dreams, ganyan.

"Ang daming reasons why, and it’s a question na medyo casual ang dating. You can’t blame people for asking, but it’s about time people understand it’s not easy to raise a child because—Why? If you are not prepared to have a child, yung bata ang mahihirapan."

Becoming more personal, Jericho says, "Bunga ako ng isang hindi prepared na relationship, and I had my share of hard times, and that’s where it's coming from.

"Natuto na ako. I’s not easy na gumawa lang ng bata dahil yun ang tradisyon at yun ang kultura at yun ang sinasabi nilang magpapatibay sa mag-asawa. Hindi yun.

"At ang magsa-suffer ay yung bata, naiiwan, lumalaking ano, sila yung sumasalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito, napapagod na rin daw siya kasasagot ng nasabing tanong.

"I don’t get insulted. I must admit there was a time na napagod na akong kasasagot, 'Bakit di pa kayo magkaka-baby?'

"Because why? Pag magkaka-baby na kami, I’m going to celebrate that, and I’m going to tell everyone."

Huwag daw sanang gawing default question ito sa mga couple na wala pang anak.

"I just feel for the people. I know some people that they cannot have a baby, so let’s be careful asking people kung 'Kailan ba kayo magkaka-baby?'

"Instead, [ask] 'How are you today?'

"Alam ninyo ang mga tao ngayon, ang dami ng mga issues, but for me that’s what's important. Feelings ng woman, feelings ng couple, feeling ng man, yun lang.”

AMAZING FIVE YEARS 

Sa ngayon, ini-enjoy nila ni Kim ang company ng bawat isa.

"Amazing, we’re going five years now. It’s a growing relationship. Our focus now is our career and each other, travelling more together, having more time, yung ma-enjoy namin yung lifestyle namin na magkasama kaming dalawa.”

Malaking bagay rin daw na naiintindihan nila ang trabaho ng isa't isa.

Gaya na lamang ng serye niyang Halik. Sa title pa lang, tiyak na may kissing scenes ito. Bilang isang lalake, hindi ba siya nadadala sa ganitong mga eksena?

"You have to be professional," ani Jericho.

"Kailangang basahin mo ang script mo, and always respect mo sa mga leading ladies mo."

Makakasama rito ni Jericho sina Yam Concepcion, Yen Santos, at Sam Milby.

"I guess that’s why Yam is comfortable talking about it. Yen is comfortable talking about it because, you know, I have one person who I love the most and that’s my wife.

"She understands my job, and she respects me, and I respect her back. She knows na di lang ako gumagawa ng project dahil may gusto lang akong halikan, etc."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kuwento ng aktor, kakaiba ang tema ng pagbibidahang serye dahil point of view naman ng isang lalake sa isang pagsasama ang tatakbuhin ng istorya.  

"Haping-happy kasi usually ganun ang ritmo ko, di ba? Beginning of the year medyo tahimik. You’ll feel that kasi yun ang time na binubuo talaga namin yung mga shows. Ngayon lalabas na siya so finally I’m proud of it, excited na akong makita yung bagong ipapalabas namin."

Imbes na lalaki yung manloloko, siya raw yung magpapakatino rito.

"Marami na tayong napanood na mga TV shows tungkol sa mag-asawa. This time around, perspective naman ng lalake, siya naman ang nagpapakatino, yun ang character ko.

"Ano yung dapat kong gawin? Paano ko gagawin yun? Natsa-challenge dito yung moralidad ko, moral complex ng character ko, so more on morality."

Iba ba ito sa The Legal Wife, kung saan nagkaroon ng kabit ang lalaki?

"Yes different...parehong mag-asawa in a way, pero iba, baligtad siya."

Dahil iikot ang istorya ng Halik tungkol sa katapatan sa isang relasyon, natanong si Jericho kung dumating siya sa punto rati na natukso siya.

"Whether or not na pinagdaanan ko yun, I have to do my homework. Pero sobrang happy ako dahil may mga pinagdaanan ako, kaya mapo-portray ko ito nang maayos," ang nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN