Ronnie Alonte, Loisa Andalio spotted hugging, kissing amid rumored breakup

IMAGE Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram / Maia Garcia on Facebook

Tila naplantsa na ang hindi pagkakaintindihan ng rumored couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio dahil sweet na sweet na magkayakap ang dalawa sa isang event kahapon, July 29. 


Tila naayos na ang anumang hindi pagkakaunawaan ng rumored couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Ito ay kung pagbabasehan ang video ng dalawang ABS-CBN stars na in-upload ng isang netizen sa Facebook nitong Linggo ng gabi, July 29.

Kuha raw ito sa may Mall of Asia (MOA) Arena kung saan may event na dinaluhan ang dalawa.

Sweet na sweet sina Ronnie at Loisa sa video.

Makikita sa video na matagal na nakayakap ang Hashtags member sa napapabalitang nobya.


Minsan, hinahalikan din ni Ronnie si Loisa sa pisngi.


Sa dulo ng video, nag-selfie pa ang dalawa bago bumalik ng venue.

LOVE WILL NEVER DO...

Sa kanya namang Instagram account, nag-post si Loisa ng larawan ni Ronnie na kuha sa MOA Arena seaside view area.

Tanging caption niya, “Love will never do, without you.”

love will never do.

A post shared by Loisa Andalio ???????? (@iamandalioloisa) on

Base na rin sa mga reaksiyon sa comments section, malinaw na maraming fans ang kinilig.

Lalo na't ilang araw bago ito ay napabalitang nagkakalabuan sina Ronnie at Loisa.

Sa panayam kay Ronnie na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 26, inamin niyang mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng rumored girlfriend.

Sabi ng binata, “Hindi ko lang alam, siguro sa amin na lang yung dalawa, private. 

"Mayroon lang kaming di pagkakaintindihan, mayroon lang di pagkakaunawaan.

"Pero sana, soon, maayos. Kung kami talaga, kami talaga."


Stories We Are Tracking

Ronnie Alonte admits misunderstanding with Loisa Andalio
Ronnie Alonte admits misunderstanding with Loisa Andalio

Noon namang July 26 ay bigla na lamang napaiyak si Loisa habang nagpe-perform sa fiesta ng Libmanan, Camarines Sur.

Sinasabing ang dahilan ng pagluha ng Kapamilya young actress habang kumakanta ay ang pinagdadaanan ng relasyon nila ni Ronnie.

Read: Loisa Andalio, biglang umiyak habang kumakanta sa fiesta; dahil kaya kay Ronnie Alonte?


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN