Maris Racal clarifies issues about Bela Padilla, Loisa Andalio

IMAGE Instagram

Maris Racal on negative comments about Bela Padilla: "Wala siyang ginawa sa akin kundi magagandang bagay. Tinuruan niya ako ng mga bagay-bagay, like acting and stuff, mga movies and shows."


Kinontra ni Maris Racal ang paratang na bad influence diumano sa kanya ang kaibigang aktres na si Bela Padilla.

Si Bela kasi ang sinisisi ng ilang netizens kung bakit tila naging liberated si Maris, partikular na sa pananamit.

Ngunit pagtatanggol ni Maris kay Bela, “Na-hurt ako at nahiya ako siyempre.

“Wala siyang ginawa sa akin kundi magagandang bagay.

“Tinuruan niya ako ng mga bagay-bagay, like acting and stuff, mga movies and shows.

“Kung alam lang nila yung mga ginagawa namin, sobrang maling-mali ang sinasabi nila.”

Patuloy ng Star Magic artist, “Yung nag-comment naman, hindi naman siya general comment ng mga tao, may mga tao lang talaga na may masasabi tungkol sa iyo.

“Para sa akin, respect na lang kung ano ang gusto ng mga tao.

“Para sa akin, gusto ko lang iwasan ang word na 'liberated' kasi iba naman ang liberated sa confident.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maris sa MOR Pinoy Music Awards 2018 noong July 21.

FRIENDSHIP WITH MARIS

Naging isyu rin ang pag-amin ni Maris na nagkaroon sila ng misunderstanding ng kaibigan at dating PBB co-housemate na si Loisa Andalio.

Pero paglilinaw ni Maris, bukas siyang makipagbati at tuldukan kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan.

“Sa akin naman, okay naman, personally okay naman ako.

“Yes, game naman ako [makipag-usap].

“Sa amin lang talaga, nagka-separate lang yung path.

“Hindi kami nagkakasama sa work, nagkakasama na lang kami sa ASAP.

“So, siyempre, may mga nangyayari sa mga personal lives namin, nag-iiba din ang mga gusto namin.

“Every time naman na nagkikita kami, civil naman, casual naman, wala namang bad blood.”

Inamin ni Maris na ang fans nila ang naging ugat kung bakit sila nagkaroon ng tampuhan ni Loisa.

“Lagi namang nagpapalala yung comment ng tao.

“They don’t know naman the reality which they don’t have to know anyway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As long as alam naman namin ni Loisa kung ano ang totoo, okay kami dun.

“Kahit ano naman ang sabihin nila, hindi naman nila alam kung ano ang real truth.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN