Janine Gutierrez refuses to put label on relationship with Rayver Cruz

IMAGE @rayvercruz Instagram / Noel Orsal

Janine Gutierrez on her closeness to the family of rumored boyfriend Rayver Cruz: "Thankful po talaga ako dahil napakabait po talaga ng pamilya niya. And even before we became close, close naman na kami ni Rodjun. So naging madali na lang na makilala yung iba niyang kapatid, yung mommy niya… simple lang."


Hindi pa rin tuwirang mabigyan ni Janine Gutierrez, 28, ng label ang ugnayan nila ni Rayver Cruz, 29.

Ito ay sa kabila ng obserbasyon ng mga malapit na entertainment reporters kay Janine na sila na ng aktor.

Natatawang pag-iwas ni Janine, “Well, ganun pa rin po talaga. Pero wala na ngang naniniwala sa akin, e.”

Hindi na ba uso ang maging opisyal na magkarelasyon sa panahon ngayon?

Sagot ni Janine, "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko maipaliwanag, pero ganun pa rin."

Tanging paglalarawan ni Janine sa ugnayan nila ni Rayver, “Happy ako kapag kasama ko siya.”

Sumang-ayon naman si Janine nang may magsabing tila "what you see is what you get" ang kung anumang mayroon sila ni Rayver. 

"Exactly! Ganun na nga," saad ng Kapuso actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Janine sa media conference ng Victor Magtanggol, na ginanap sa GMA-7 Studio 7 sa Quezon City noong July 23.

Ayon kay Janine, wala silang usapan ni Rayver na itanggi ang kanilang relasyon sa publiko.

Kahit pa mahigit isang taon na mula nang unang lumabas ang balitang nagkakamabutihan silang dalawa.

November 2017 noong unang umamin si Rayver na nililigawan niya si Janine.

Sabi ng aktres, “Hindi naman po sa sikreto.

"Ayoko lang na yung personal ko na buhay ang pinaka-interesting thing about my career.

“Mas gusto ko na pinag-uusapan yung mga ginagawa ko—yung Victor Magtanggol, yung Day Off. Para mas simple, di ba?”

Ang tinutukoy ni Janine ay ang pagiging bahagi niya ng cast ng GMA-7 prime time series na Victor Magtanggol at pagiging host ng GMA News TV public affairs program na Day Off.

Aminado ang Kapuso actress na mas madalas pang mag-post ng litrato nila ni Rayver ang nakatatatandang kapatid ng huli na si Rodjun Cruz.

‘Tulad na lang noong namataan si Janine sa birthday dinner ni Rayver kasama ang pamilya ng aktor.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Janine, “Oo nga, andaming pinu-post ni Rodjun. Nakakaloka! Kuyang-kuya siya dun.”

Sa mismong kaarawan ni Rayver noong July 20 ay pareho raw silang may taping sa kani-kanilang teleserye, kaya July 22 na nakapag-celebrate ang Kapamilya actor.  

                                                                                                

Ano ang reaksiyon niyang mukhang aprubado siya ng buong pamilya ni Rayver?

Sagot ni Janine, “Thankful po talaga ako dahil napakabait po talaga ng pamilya niya.

“And even before we became close, close naman na kami ni Rodjun.

“So naging madali na lang na makilala yung iba niyang kapatid, yung mommy niya… simple lang.”

Happy Easter everyone!!!

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on


Stories We Are Tracking

Rodjun Cruz and Dianne Medina support JanVer
Rodjun Cruz and Dianne Medina support JanVer
Rayver Cruz admits seriously pursuing Janine Gutierrez
Rayver Cruz admits seriously pursuing Janine Gutierrez
Janine Gutierrez sees Rayver Cruz as a supportive partner
Janine Gutierrez sees Rayver Cruz as a supportive partner


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN