Christian Bables reveals previous relationship with woman 13 years his senior

IMAGE Noel Orsal

Christian Bables says he doesn't want to go into a relationship now, as his previous one was complicated. For starters, his ex-girlfriend is 13 years older than him. "Huwag muna. Ayoko muna, nakakapaso, e."


Isinasantabi muna ni Christian Bables and love life ngayong nagkakasunud-sunod ang showbiz commitments niya.

Ang pinagbibidahan niyang pelikulang Signal Rock, na idinirehe ni Chito Roño, ay official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).  

Nakatakda namang umere simula sa August 13 ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Halik, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos, at Sam Milby.

Isang mahalagang papel ang gagampanan ni Christian sa kuwento.

Sa dami ng kanyang proyekto, kumusta ang kanyang personal life?

“Wala, zero muna,” sagot ni Christian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng Signal Rock na ginanap sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, noong July 26.

December 2016 pa raw siya huling nagka-girlfriend, at ayaw muna raw niyang pumasok ulit sa isang relasyon.

“Huwag muna. Ayoko muna, nakakapaso, e.”

Patuloy niya, “Kasi she’s a lot older than me, she’s 38 years old.”

December 6 ang birth date ni Christian at 25 years old siya sa kasalukuyan.

Lumalabas na 13 taon ang agwat ng edad nilang dalawa ng kanyang ex-girlfriend.

Sabi niya, “Medyo complicated yung relasyon, so ayoko muna.”

Mayroon pa ring communication ang award-winning actor at ang kanyang ex.

Aniya, “Nagkaka-text, pero ako ayoko muna as much as possible.”

Kahit ang makipag-date sa ibang babe ay hindi na raw nagagawa ni Christian.

Rason niya, “Wala nang time, e, kasi MWF [Monday, Wednesday, Friday] taping sa Halik.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN