Christian Bables denies nose job; flattered by comparison to Alden Richards

IMAGE Noel Orsal

Christian Bables on being compared to Alden Richards: "Natutuwa ako kung may resemblance kami ni Alden. Napakapogi kaya ni Alden!


Itinanggi ng aktor na si Christian Bables na may ipinaretoke siya sa mukha, partikular na ang kanyang ilong.

Sa media conference ng pelikulang Signal Rock noong July 26, marami ang nakapansin sa tila malaking pagbabago sa hitsura ni Christian.

Pero iginiit ng aktor na wala siyang ipinabago sa kanyang mukha.

Nakangiting sabi ng 25-year-old actor, “Dati nang ganito ang ilong ko.

“Wala po talaga, wala po.

“Kumbaga, kung meron man akong gustong ipabago sa mukha ko, yung pimple scars. Kasi ang hirap niya talaga.

"Pero ngayon sa sarili ko, may nakita akong improvement sa ginagawa sa akin ng sponsor ko, hindi na kagaya before na as in sobrang…

“Ngayon, kung meron akong gusto... ipa­-enhance, ito,” sabay turo sa kanyang magkabilang pisngi.

“Kung ipapabago ko po ang ilong ko, baka maging ganito na?” sabay muwestra ni Christian ng kamay na pataas.

“Sobrang tangos na. Sobrang tangos na ng ilong ko.”

Ipinapalagay ni Christian na pumayat siya kaya mas lumitaw ang tangos ng kanyang ilong.

ALDEN RICHARDS LOOKALIKE

May ilang reporters naman ang nagsabing nahahawig si Christian sa Kapuso prime leading man na si Alden Richards.

“Salamat,” nagba-blush ang mga pisnging bulalas ni Christian.

Very particular daw sa kanyang image ang co-manager na si Boy Abunda, at kailangan daw palaging presentable si Christian.

Dagdag niya, “It’s the hair yata. Ayaw kasi ni Direk Chito na nakataas yung buhok ko, e. So, hindi na ako nagtaas.”

Iginiit ni Christian na wala siyang intensiyong gayahin ang hitsura ni Alden.

“Ako, I don’t intend to make gaya anyone.

“Ako ito, wala naman sigurong tao na gustong makumpara siya sa iba.

"Kumbaga, natutuwa ako kung may resemblance kami ni Alden. Napakapogi kaya ni Alden!

“Kung ma-compare kay Alden, maraming salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN