Romnick Sarmenta closes doors to politics: "It's not really a place I want to be in."

IMAGE Arniel Serato

Hindi raw talaga pumasok sa utak ni Romnick Sarmenta ang pulitika. Mas gusto raw niyang umarte kaysa maging pulitiko dahil naniniwala siyang maaari ring makatulong kahit hindi pasukin ang public service. 


Maikukunsiderang family of politicians ang misis ni Romnick Sarmenta na si Harlene Bautista.

Kasalukuyang mayor ng Quezon City ang kuya nitong si Herbert Bautista at konsehal naman sa fourth district ng nasabing lungsod si Hero Bautista.

May balak din bang pumasok sa pulitika si Romnick?

Pahayag ng 46-year-old actor, “My wife naman has assured me before pa na it was up to me.

“I would rather wala sa pamilya ko.

"Kasi, between her and me, wala kami problema kahit ano pa yang lumabas na fake news, alam naman namin.

"And, susme naman, halos 24 hours a day, every day kami magkasama.

"So walang puwedeng sabihin na, ‘O, si Harlene, nakitang ganyan,’ ‘Si Romnick nakitang ganyan,’ kasi wala.

“Matatawa kami pareho, sasabihin niya pa na, ‘Di ba, kasama kita nun?' Gaganun pa yun. 

“But then again, yung mga anak namin, as much as they trust us, and I know they do, kapag pumasok sila sa eskuwelahan 'tapos yung classmate nila na hindi nag-iisip, naniwala sa anumang balita, sila yung kawawa.

“And I’ve always explained that.”

Pananaw pa ni Romnick, kapag nasa pulitika ka ay hindi mo malalaman kung sino ang iyong kaibigan o kaaway.

“I admire those who are doing it well and doing it for the right reason.

“Kasi diyan sa politics, hindi mo alam kung sino kalaban mo, kung sino kakampi mo.

“Gumawa ka ng tama, may galit sa iyo. Gumawa ka ng mali, siyempre mas maraming galit sa iyo."

Diin pa ng aktor, “It’s not really a place I want to be in.

"Parang sa akin, aarte na lang ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romnick sa pocket presscon ng Cinemalaya entry na Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset) noong Lunes, July 30.

Kasama niya sa pelikula sina Perla Bautista, Menggie Cobbarubias, at Dante Rivero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas ito sa August 3 hanggang 12 sa Ayala Malls cinemas at sa Cultural Center of the Philippines.

HARLENE IN POLITICS?

Paano kung ang misis niyang si Harlene ang aluking tumakbo sa kanilang lugar? Idi-discourage ba niya ang asawa?

Sagot ni Romnick, “I think, discourage is a strong word.

"I will always stand by with what I said na, kung ako ang masusunod, I would very like to protect the privacy of my family.

“That's something I would always tell her.

"At the end of the day, she will do what she wants to do. Ako, yun ang paniniwala ko, e.

“If she decides to follow or decides to honor that request, that’s great.

“If she decides na, ‘Hindi, gusto ko itong gawin,’ I will pray that she will do it for the right reason.

“And in same sense na kung bigla magbago ang hangin na sasabihin ko na, ‘Gusto ko palang tumakbo,’ I would pray that she would pray that I am doing it for the right reason.

"Kasi, I hate to do it for the wrong reasons."

Naniwala rin si Romnick na hindi kailangang pumasok sa pulitika ang isang tao para makatulong sa kapwa.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN