Kris Aquino's lawyer-friend is now being romantically linked to Gretchen Ho

IMAGE @gretchenho and @the.mightywarrior on Instagram / Noel Orsal

Kris Aquino (right) asks supporters to give Atty. Gideon Peña (center) his privacy and not to meddle with his personal life, including matters of the heart. The lawyer is now being linked to TV host Gretchen Ho (left).


Ipinagtanggol ni Attorney Gideon Peña ang TV personality na si Gretchen Ho matapos silang iugnay ng mga netizen.

Si Peña ang abugadong nauugnay rin ngayon sa TV host-actress na si Kris Aquino.

Ngunit pareho nang itinanggi nina Atty. Peña at Kris na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan.


Stories We Are Tracking

Atty. Gideon Peña
Atty. Gideon Peña "just good friends" with Kris Aquino
Kris posts message of gratitude to lawyer-friend
Kris posts message of gratitude to lawyer-friend

Sa isang recent Instagram post ni Atty. Peña tungkol sa pagkakaibigan, nagkomento ang ilang netizens na nalulungkot daw sila dahil hanggang kaibigan lang ang turingan nila ni Kris.

Kasunod ng ganitong diskusyon, may ilang netizens ang nagbanggit at nag-tag pa kay Gretchen.

Ayon sa kanila, ang Umagang Kay Ganda host ang totoo diumanong pinopormahan ni Atty. Peña.

Komento ng ilan, madalas daw i-like ng abogado ang posts ng dating Ateneo Blue Eagle lady spiker.

Paniniwala pa nila, para raw talaga kay Gretchen ang special posts ni Atty. Peña.





Pakiusap naman ni Atty. Peña, "Please leave Gretchen out of the issue. Can't we just be friends and kind with people?"

Sabi pa niya, inosente raw si Gretchen at hindi dapat idinadamay.



GRETCHEN REACTS

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Gretchen tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Atty. Peña.

Sagot ng Kapamilya TV host: “We’re just friends [smiley]”

Inusisa namin kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, subalit hindi na siya sumagot.

KRIS SPEAKS UP

Sumagot din si Kris tungkol sa patuloy na pangungulit ng ilang netizens kay Atty. Peña at umaasang magkatuluyan ang dalawa.

Bahagi ng komento niya, “I need to stand by my friend @the.mightywarrior…

“BUT let’s give Atty G a BREAK.

“Sana all those commenting here will also realize that nobody will choose to become closer to me because maraming feeling entitled na mag opinion.

“He didn’t & he wasn’t ‘born’ for this fishbowl existence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someone I once loved said ‘mahirap gumalaw pag ikaw ang naging ka relasyon dahil maraming tao na may masasabi…’” hugot ni Kris.

“Please allow attorney his PRIVACY & his freedom to ‘like’ posts of others.”

Diniretso rin ng 47-anyos na aktres ang ilang rason kung bakit hindi sila maaaring magkatuluyan ng abogado.

“I’m way too old for him, my sons if ever will need someone more mature than me to be able to love & accept them, and I have so many world obligations but at the sme time I have health issues—so it’s a difficult balancing act.

“Please be happy for him & whatever will make Atty G feel fulfilled & peaceful—I’m 100% for that.

Paliusap pa ni Kris, “Ako na lang kulitin nyo in my IG feed?”




ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN