Miho Nishida breaks up with Young VJ via text; did Miho cheat on Young JV?

IMAGE @real.miho_nishida / @iamyoungjv_ Instagram

Young JV's cryptic post amid rumored breakup with Miho Nishida: "Getting cheated on and not caring about how you feel is just wow."


Tila hiwalay na ang magkasintahang sina Miho Nishida, 25, at Young JV, 28, matapos ang halos isang taong pagkakamabutihan.

Kaugnay ito ng matalinhagang social media posts ni Young JV tungkol sa panloloko at pang-iiwan umano ng hindi pinangalang personalidad.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ipinahiwatig ni JV na hindi siya makapaniwala na tila balewala lang ang natamong panloloko sa kanya.

Gamit ang GIFs, sabi ni Young JV, “Getting cheated on and not caring abou[t] how you feel is just wow.”


Sa kanyang hiwalay na Twitter posts noong July 29 at 31, malaman din ang pahayag ni Young JV kung gaano kasakit ang masaktan ng isang taong minahal at pinagkatiwalaan niya.

Sa kabila nito, mayroon din siyang tweet tungkol sa pagpaparaya.  

ROMANCE TURNED SOUR

Sina Miho at Young JV ay pinaniniwalaang magkarelasyon mula nang naiulat ang madalas nilang paglabas-labas noong August 2017.

October 2017 nang inamin ni Miho sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanliligaw sa kanya si Young JV.


Stories We Are Tracking

Young JV admits real score with Miho Nishida
Young JV admits real score with Miho Nishida
Miho Nishida admits being courted by hip-hop artist Young JV
Miho Nishida admits being courted by hip-hop artist Young JV
Is there a brewing romance between Miho and Young JV?
Is there a brewing romance between Miho and Young JV?

Nito lang May 2018, kinumpirma ni Young JV na maituturing silang magkarelasyon dahil apat na buwan na silang "exclusively dating." 

Hanggang sa ihayag nga ni Young JV ang pinagdadaanang problema nila ni Miho.

Umapela ang ilang tagasuporta nila na sana ay huwag nang isapubliko ni Young JV kung anuman ang hindi pagkakaunawaan nila ni Miho.


BREAKUP VIA TEXT?

Tila ito ang nag-udyok sa ina ni Young JV, si Elsa Kapunan, na ipagtanggol ang anak.

Base sa kumalat na screenshot ng isang text message mula kay Elsa, kinumpirma nitong hiwalay na sina Young JV at Miho.

Sabi rito: "Nagulat nalang si JV na tinex sya ni Miho na hindi na daw sya happy at sorry nalang.

"Itong breakup na kinagugulat ni JV ay dahil sa dinaan ni Miho sa text lamang."

Dagdag ni Elsa, sana raw ay magkausap ang dalawa sa ngalan ng kanilang pinagsamahan noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag sina Young JV at Miho sa pamamagitan ng pagpapadala ng Instagram direct messaging, ngunit wala pang sagot ang mga ito at press time.

Si Miho ay dating Pinoy Big Brother: 737 housemate, habang si Young VJ ay isang singer-actor.

Pareho silang mula sa ABS-CBN talent arm na Star Magic.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN