Andre Paras makes fun of his zero love life

IMAGE Noel Orsal

"Wala naman [akong love life], yun nga yung joke dun," says Andre Paras when asked why he always jokes about his love life or lack thereof.


Sa ngayon ay nagagawa pang magbiro ni Andre Paras, 22, tuwing nali-link siya sa mga kapwa niya artista.

Katulad noong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Clash kamakailan, pabirong sinagot ng Kapuso actor-TV host ang tungkol sa pagkaka-link niya sa dating Encantadia at Sirkus co-star na si Mikee Quintos.

Nang tanungin kung nililigawan niya ito, pangising sumagot si Andre, “Yes. I am. Joke lang! Hala, Mikee, explain mo iyan.”

Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Andre ang pagiging malapit niya sa Kapuso young actress.

“Kami ni Mikee kasi, very close po kami, before [Encantadia] pa.

“Close kami and lumalabas kami. Minsan kapag free siya, kaming dalawa lang.

“It's really fun to be with Mikee kasi sobrang ano niya, parang wala kang problema when you're around her.

“Kahit wala kang problema, nagbibigay pa ng advice sa iyo kasi medyo madaldal din at saka makulit, yun ang masaya sa kanya po.”

Nang muling tanungin kung may balak siyang ligawan si Mikee, pangising sumagot ulit si Andre, “Maybe, we'll see.”

Sabay sabi niya, “As of now, of course, we made it to a point na basta kung magkaka-relationship man kami sa isa't isa or magkaka-relationship, basta understand yung line of work.

“I guess, nag-agree kami na we're very close, maybe sabihin na nating we just have to be focusing on our work muna.

“Kasi, ang hirap magka-relationship in this line of work.”

Dagdag pa ni Andre, “Mas focus ako sa work. Maybe in the future.

“Kasi tanggap ko naman right now na I'm growing.

“Hindi naman immature, pero parang there's so much things I have to learn pa.

“Parang thinking of another thing pa.”

Read: Andre Paras, planong ligawan si Mikee Quintos?; nilinaw ang pag-unfollow nila ni Kobe sa Instagram

ANDRE'S LOVE LIFE IS A JOKE

Dahil sa kanyang naging sagot, natanong si Andre kung bakit tila idinadaan niya sa biro ang pagsagot sa tuwing natatanong ang kanyang love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng anak nina Benjie Paras at Jackie Foster, “It's fun lang. Kasi, I do it as a joke, kasi people would message me it's funny.”

Hirit pa niya, “Wala naman [akong love life], yun nga yung joke dun.”

Natutuwa rin daw si Andre na may mga napapasaya siyang ibang tao sa tuwing ginagawa niyang biro ang kanyang zero love life.

Kuwento niya, “Maraming nakaka-relate, at least, napapasaya ko sila.

“Others would message me, 'Andre, kaka-break ko lang pero you're making me happy.'

“It's supposed to be for my happiness lang, pero I didn't know yung jokes na yun would affect other people, which is good.

“Yung jokes na yun is to make people happy.

“Kahit off-cam, do what you have to do kung ano ang magpapasaya sa kanila.

“Kasi, may iba palang may problema pala ang nata-touch mo sila in some way.

“Others siguro through their social media post. Ako naman, comedic stuff lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN