Willie Revillame meets Mayor Sara Duterte; TV host to run for Quezon City mayor?

IMAGE PEP Source

Tatakbo nga kaya si Willie Revillame bilang alkalde ng Quezon City sa 2019? Isang video ang inilabas ngayong araw ng isang staff ni Willie, kung saan laman nito ang pakikipagpulong ng TV bhost kay Davao City Mayor Sara Duterte. 


Mainit na usapin ngayon ang posibleng pagpasok ni Willie Revillame sa pulitika.

May mga kumakausap na raw sa Wowowin host upang kumbinsihin itong kumandidatong mayor sa Quezon City, kapalit ni incumbent Mayor Herbert Bautista.

Lalo pang umingay ang usap-usapan tungkol dito dahil sa pakikipagpulong ni Willie kay Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong hapon, August 1, isang video ang in-upload sa Facebook ng staff ni Willie.

Sa video, nakasaad dito na 8:30 ng umaga ay parang may kausap si Willie sa telepono.

Maya-maya lamang, dumating sa executive lounge ng Quezon Cith Hall ang alkalde ng Davao City.

Sa video, makikitang may seryosong pinag-uusapan sina Willie at Mayor Sara.



Sa dulo ng video, makikita ang pagpapakuha ng larawan nina Willie at Mayor Sara sa tabi ng Philippine flag, na tila photo op para sa isang pag-eendorso.

Matapos nito, nakalagay sa dulo ng video ang mga salitang “Pag-ibig. Pagmamahal. Pagmamalasakit sa bawat Pilipino.”

Ang nakalagay na caption sa video: “Duterte. Revillame.”

Si Mayor Sara ang itinuturing ngayong may hatak sa mga pulitiko, lalo pa't anak siya ni Pangulong Duterte.

Lumalakas din ngayon ang regional party na pinamumunuan ng alkalde na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Komento naman ng malapit na kaibigang kompositor ni Willie na si Vehnee Saturno, "Tuloy na tuloy na!"


Ito na kaya ang hudyat na tuloy na ang pagtakbo ni Willie bilang mayor ng Quezon City sa 2019 mid-term elections?

Kung sakali, makakatunggali ng Kapuso TV host ang kasalukuyang vice mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

Ayon sa maiksing mensahe na ipinadala ng isang reliable source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nangyari raw ang pagpupulong nina Willie at Mayor Sara noong Lunes, July 30.


Wala nang ibang detalye na ipinadala ang source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN