Miho Nishida posts angry tweet amid Young JV cheating allegation

by Rachelle Siazon
Aug 2, 2018
Is Miho Nishida's angry tweet alluding to Young JV's social media posts about a person who allegedly cheated on him?

Nagpakawala ng malamang pahayag si Miho Nishida, 25, sa gitna ng mga patutsada ni Young JV, 28, tungkol sa panloloko at pambabalewala diumano sa kanya ng dating Pinoy Big Brother: 737 housemate.

Kaugnay ito ng napabalitang bad breakup sa pagitan nina Miho at Young JV.

Gamit ang salitang Japanese, ipinahiwatig ni Miho ang kanyang galit at hinanakit sa pinaniniwalaang magkakasunod na patama sa kanya ni Young JV sa social media.

Base sa automatic English translation ng kanyang tweet kahapon, August 1, sabi ni Miho: “The lowest as a man!!! Really the least.”


Continue reading below ↓

Naunang naiulat ang diumano'y pakikipaghiwalay ni Miho kay Young JV sa pamamagitan ng pagpapadala sa rapper-actor ng text message.

Mismong ang ina ni Young JV, si Elsa Kapunan, ang naghayag na masama ang loob ng binata, dahil hindi man lamang daw personal na nakipag-usap si Miho upang maging maayos ang hiwalayan ng magkasintahan.

Si Young JV ay hindi pa rin diretsahang pinangalanan si Miho sa kanyang tweets tungkol sa isang taong hindi niya raw akalaing manananakit nang husto ng kanyang damdamin.

Sa kabilang banda, tanging si Young JV ang naging bukas tungkol sa relasyon nila Miho sa loob ng higit-kumulang isang taong pagkakamabutihan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 2018, ipinahiwatig ni Young JV na magkasintahan na sila ni Miho.

Hindi rin naman kaila sa publiko ang sweet photos nila sa tuwing sila ay magkasama, mapa-Star Magic Ball man o sa kanilang pagdi-date.

As early as December 2017, sa episode ng ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, parehong umamin sina Miho at Young JV na "oo" mahal nila ang isa't isa.

Continue reading below ↓

Ngunit kapansin-pansing ipinauubaya pa rin ni Young JV kay Miho ang pormal na pagsasabing sila na nga talaga.

Sabi ni Young JV sa PEP.ph, "Yeah, I guess we can say that because we’re exclusively dating. Ayoko pong manggaling sa akin, pero we both agreed upon that.”

Dagdag ng binata, "Wala pang label because I respect her, her decision as a young mom.

"Basta kung anuman yun, nandito lang ako."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Is Miho Nishida's angry tweet alluding to Young JV's social media posts about a person who allegedly cheated on him?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results