Xander Ford airs frustration over intense bashing: "Pagod na pagod na ako, gusto ko nang mamatay."

IMAGE Courtesy: @myxanderford on Intagram / Screengrab from The Pinoy Channel on YouTube

Sa pamamagitan ng isang video, ibinuhos ni Xander Ford ang kanyang sama ng loob dahil sa matinding bashing na natatanggap niya mula sa netizens. Dahil dito, nasa punto na raw ang social media star na gusto na niyang tapusin ang sariling buhay.


Pinag-uusapan ngayon ang video ng social media star na si Xander Ford—dating Marlou Arizala—na in-upload sa YouTube ng The Pinoy Channel.

Sa halos dalawang minutong video, ibinahagi ni Xander ang kanyang saloobin sa matinding pambabatikos na natatanggap niya mula sa netizens.

Himutok ni Xander, “Ampangit ng tingin ko, pero feeling ko ang liit ng tingin ko dahil sa kanila.

“Kasi alam mo yun… pagod na ako, lahat ginawa ko na.

“Pagod na pagod na pagod na pagod na ako.”

Tila kuha ang video habang nakikipag-inuman si Xander sa ilang kaibigan.


Kasunod nito, isang kaibigan ni Xander ang nagbigay ng mensahe sa netizens.

Saad nito, “Kay Xander kasi, pagod na siya sa panglalait niyo.

“Pagod na siya sa pang-iinis niyo. Sawang-sawa na siya, pagod na pagod na siya sa lahat.

“Kahit ako naawa na ako sa kanya, e. Lagi kami magkasama nito, e.

“Halos magkaibigan na rin kami. Magkalapit lang kami ng barangay kaya ganun nga yung ano ko sa kanya.

“Bakit naman kasi kailangan niyo husgahan ang isang tao, pero hindi niyo pa naman nakakasama, di ba?

“Sawang-sawa na siya sa buhay niya dahil sa inyo.

"Dahil sa mga panglalait niyo, sa mga ginagawa niyo sa kanya.”

Umiiyak namang dagdag ni Xander, “Buti pa yung ibang tao kasi minamahal ka, e.

“Hindi katulad dati na kahit ganito lang tayo, seryoso tayo na… [ngayon] di tayo nirerespeto ng ibang tao, ng ibang babae.

“Ang tingin lang nila sa atin, walang kuwentang tao."

Sabi pa ni Xander sa huli, “Pagod na pagod na ako, gusto ko nang mamatay.”

Hindi nakalagay kung kailan kuha ang nasabing video.

Unang nakilala si Xander bilang miyembro ng boyband na Hasht5.

Noon pa man ay nakaranas na siya ng matinding pambabatikos dahil sa kanyang hitsura.

Noong September 2017, sa pamamagitan ng programang Rated K, nagulat ang marami dahil sa bagong hitsura niya pagkatapos sumailalim sa cosmetic surgery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ay pinalitan din niya ang kanyang pangalan mula Marlou Arizala sa Xander Ford.

Ngunit hindi pa rin natapos ang pambabatikos na natatanggap niya mula sa netizens, hindi lamang dahil sa kanyang hitsura kundi pati na rin sa kanyang ugali.


Stories We Are Tracking

Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Xander Ford denies attitude problem
Xander Ford denies attitude problem
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN