Arnold Reyes speaks out on rumors about his sexual orientation

IMAGE Noel Orsal

Arnold Reyes on rumors about his sexual orientation: "Siguro darating yung time, kung gusto ko na on my own time, darating din ako diyan. Sa ngayon, kung ano ang ipinapakita ko inyo, kung sino si Arnold Reyes, yun muna ang tanggapin niyo. Happy naman ako sa ngayon na tinatanggap naman ako ng mga kaibigan natin."


Hangga’t maaari ay nais ng aktor na si Arnold Reyes na panatilihing pribado ang kanyang love life.

Ito ay sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa kanyang sexual orientation.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold sa media conference ng pelikulang Signal Rock noong July 26, sinubukan naming usisain ang bahaging ito ng kanyang buhay.

Diretsahan naming tinanong ang aktor kung nagkaroon na ba siya ng same-sex relationship.

“Parang ayokong sagutin iyan,” nakangiting sagot niya.

Paliwanag ni Arnold, “Parang kung anuman yung natitira ng buhay ko, sa akin na yun.

“Siguro darating yung time, kung gusto ko na on my own time, darating din ako diyan.

“Sa ngayon, kung ano ang ipinapakita ko inyo, kung sino si Arnold Reyes, yun muna ang tanggapin niyo.

“Happy naman ako sa ngayon na tinatanggap naman ako ng mga kaibigan natin.”

Tinanong din ng PEP.ph si Arnold kung nakipag-live-in na ba siya sa kapwa lalaki.

Sagot niya, “Sasabihin ko sa iyo, hindi pa… kasi kasama ko ang family ko.”

SAME-SEX RELATIONSHIP

Para kay Arnold, hindi dapat maging isyu ang same-sex relationship o ang paglalantad ng mga kilalang personalidad sa kanilang sexual orientation.

Pahayag niya, “Worldwide accepted naman kung ano man yung gender na meron tayo. 

“Para sa akin, mas okey na mabuting tao ka.

“Hindi question kung gay ka or lesbian ka, or kung ano.

“Even love, kung meron mang pagmamahalan ang parehong lalaki or parehong babae.

“Para sa akin, it’s universal, love siya. Para sa akin, walang bearing yun.

“It’s not a question.”

Kaugnay nito, suportado raw ni Arnold ang paglalantad ng dating kasintahan ni Sam Milby na si Mari Jasmine ng relasyon nito sa female director na si Samantha Lee.

Sabi ng actor-singer, “Happy ako for her.  Yun yun siguro ang fulfillment niya.

“Ako, I want to be private doon sa aspeto ng buhay ko, kung anuman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro in the future. Mas maganda na sa akin na ako mismo yung three hundred percent na gusto ko.”


Stories We Are Tracking

Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Mari Jasmine calls out news headlines linking her to ex-BF
Mari Jasmine calls out news headlines linking her to ex-BF
Sam clarifies no overlapping with Mari Jasmin's current GF
Sam clarifies no overlapping with Mari Jasmin's current GF
Sam Milby
Sam Milby "very surprised" by Mari Jasmine's coming out

FAMILY FIRST

Tiniyak ni Arnold na kung anuman ang maging estado ng kanyang love life sa mga darating na araw ay hindi siya mangingilag sabihin o ibahagi ito sa publiko.

“Wala naman, wala naman akong pangingilagan.

“Siyempre, ngayon, ang priority ko ang family ko,” pakli niya.

Pero sa kasalukuyan ay wala raw karelasyon si Arnold.

Paliwanag niya, “Kasi ang mommy ko just passed away.

“So, na-devote yung… well, hindi naman recently [namatay].

“Pero kasi, bago siya mamatay, parang dinevote namin lahat ng time namin sa kanya.

“Kasi mahirap yung kalagayan niya e. Na-reject kasi ng body niya yung kidney, may diabetes siya, nagda-dialysis siya. 

“Lahat ng tulong na ginagawa namin na puwede naming gawin, itinulong namin sa kanya.

“Ngayon naman, daddy ko.  

“So, parang priority ko, family ko.

“Basta happy ako sa trabaho ko, sa mga ginagawa ko.

“Parang yun ang priority ko sa buhay, pero darating iyan in the future.”

Samantala, ibinalita ni Arnold na kabilang siya sa cast ng Aurora, ang pelikulang pagbibidahan ni Anne Curtis para sa Metro Manila Film Festival 2018.

Mayroon rin daw siyang sisimulang teleserye sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN