Matteo Guidicelli confirms Japan trip with girlfriend Sarah Geronimo

by Nerisa Almo
Aug 2, 2018
Matteo Guidicelli on recent Japan trip with girlfriend Sarah Geronimo: "This is the first time to really spend so much time together and unforgettable time talaga. Hopefully, it will happen more often talaga."

Matipid at patawa-tawa lang ang mga sagot ni Matteo Guidicelli nang usisain tungkol sa umano'y Japan trip nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo.

Lumabas noong nakaraang linggo ang balitang magkasamang nagbakasyon ang magkasintahan sa Japan para ipagdiwang ang 30th birthday ng singer-actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Matteo sa opening ng AvelXMatteo pop-up store sa ABS-CBN Building, Huwebes, August 2.

Una, tinanong ang 28-year-old actor-singer kung paano sila nag-celebrate ng kaarawan ni Sarah.

Ngumiti si Matteo ngunit paiwas na sumagot.

Sabi niya, “We just celebrate it. Siyempre, some people know where we went.

"I don't really want to elaborate, di ba, kasi I want to keep it as private as possible.

“Yun, we had a good time. We had a good time for her 30th birthday.”

Nang diretsahang tinanong kung sa Japan sila nagpunta, natatawang sagot ni Matteo, “Yes, somewhere there, somewhere around the world.”

Continue reading below ↓

Nang subukan pang pigain ng entertainment reporters kung saan sa Japan sila nagpunta, ngumingisi lang si Matteo nang sumagot, “Somewhere there. It was really cool. It was really fun. We just walked around.”

Inabangan ng fans ng magkasintahan, na mas kilala bilang AshMatt, ang anumang social media update mula sa dalawang Kapamilya stars. Ngunit walang anumang in-upload sina Matteo at Sarah.

Gayunman, siniguro ng Bagani actor na naging masaya ang kanilang bakasyon.

Paulit-ulit niyang sinabi, “It was fun, we really had a good time together.”

Sa huli, hiling ni Matteo na magkaroon pa ng maraming pagkakataong makasama ang kanyang longtime girlfriend.

Aniya, “We just really had a good time. I think time is something that we need, kumbaga.

“This is the first time to really spend so much time together and unforgettable time talaga.

“Hopefully, it will happen more often talaga.”

Bigla raw sumikip ang ripped jeans ni @mateoguidicelli! #AvelxMatteo

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on recent Japan trip with girlfriend Sarah Geronimo: "This is the first time to really spend so much time together and unforgettable time talaga. Hopefully, it will happen more often talaga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results