Eat Bulaga host Ryan Agoncillo posts message about healing

IMAGE Noel Orsal

Ryan Agoncillo, who is still recovering from a motorcycle accident, recalls the advice given to him about pressing the pause button to heal everything.


Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik si Ryan Agoncillo sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Patuloy pa kasi ang medical therapy nito matapos masangkot sa motorcycle accident late last year at hindi pa fully healed ang kanyang tuhod.

Ayon sa misis ni Ryan na si Judy Ann Santos, kailangan talaga ni Ryan na magpahinga at magpagaling dahil kung hindi, baka sa simpleng tapilok lang ay mas lalong lumala ang kalagayan nito.


Stories We Are Tracking

Judy Ann explains Ryan's absence from <em>Eat Bulaga!</em>
Judy Ann explains Ryan's absence from Eat Bulaga!

Kaugnay ng kanyang pagpapahinga sa trabaho, isang mensahe ang ipinost ni Ryan sa Instagram ngayong Huwebes, August 2.

Ito ay tungkol sa paalala ng isang nirerespeto niyang tao.

Mensahe ni Ryan, “Someone I have the utmost respect for once told me, ‘Sometimes we have to press the pause button to heal everything, may it be a broken knee or a wounded soul.’

“'Get up and run (or bike in your case). Keep that strong spirit going sabay shot ng whisky.'

“This brought me to tears. I am really grateful for these words my friend. Truly. #storiesforlucho”

Hindi man direktang tinukoy ni Ryan kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang Instagram post, malinaw na ito ay may kinalaman sa kanyang pagpapagaling at hindi pagsuko sa anumang pagsubok sa buhay.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN