Hindi pa rin nawawala sa ilang artista o netizens na mag-post ng kanilang throwback photos kapag Huwebes.
Usung-uso kasi dati ang #ThrowbackThursday (TBT) kung saan marami ang nagbabahagi ng kanilang mga lumang larawan sa social media.
Kagabi, August 2, nag-post ang Kapamilya actor na si Sam Milby, 34, ng kanyang throwback photo na kuha noong high school graduation niya.
Kuha siguro ito halos 19 taon na ang nakalilipas.
Sabi ni Sam sa caption, “#TBT High school graduation pic 02.”
Kaagad namang nagkomento rito ang kapwa niya Kapamilya star na si Sofia Andres.
Sabi ni Sofia, “HAHAHAHAHAHAHAHA.”
Natatawang sagot ni Sam, “Tawang-tawa ka ah.”