Bela Padilla apologizes to Kim Chiu for Gerald Anderson joke

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on negative reaction to her joke on Kim Chiu in Gandang Gabi Vice: "Nag-text ako sa kanya na, 'Kim, may nasabi ba ako na na-offend ka or something?' Sabi niya, 'Wala.' 'Tapos pinagtawanan lang din namin. Sabi ko, 'Kung meron man, sorry.'"


Agad daw humingi ng paumanhin si Bela Padilla sa matalik niyang kaibigang si Kim Chiu nang makita ang mga galit na mensahe ng fans ng huli sa social media.

Ito ay kaugnay ng guest appearance ng dalawang Kapamilya stars sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong July 22.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang fans ang naging biro ni Bela at ng host ng programa na si Vice Ganda nang lumabas ang larawan ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson sa segment na “Tanong Mo Mukha Mo.”

Kuwento ni Bela, “The next day, nag-text ako sa kanya noong nakita ko na yung mga comments.

“Parang nag-text ako sa kanya na, 'Kim, may nasabi ba ako na na-offend ka or something?'

“Sabi niya, 'Wala.'

“'Tapos pinagtawanan lang din namin.

“Sabi ko, 'Kung meron man, sorry.'

“Kasi, ako rin, pinupuruhan niya ako noong GGV.

“Siyempre, iba rin yung pagka-edit sa napapanood namin. Ang dami niya ring ibinuking sa akin.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Bela sa press conference ng bagong pelikula nila ni JC Santos, ang The Day After Valentine's, ngayong Huwebes, August 2.


Stories We Are Tracking

Bela Padilla draws flak over joke about Kim and Gerald
Bela Padilla draws flak over joke about Kim and Gerald

WALANG PIKUNAN

Katulad ni Kim, nilinaw ni Bela na hindi sila nagkapikunan sa biruan nila sa GGV.

“Hindi naman. At saka tantiyado naman namin yung isa't isa.

“Alam naman namin yung boundaries namin.

“Mayroon siyang hindi matanong sa akin; ako rin, mayroon akong hindi matanong sa kanya,” sabi ni Bela.

Kaya naman nagulat daw siya nang makita ang mga negatibong reaksiyon ng fans.

“Nagulat nga ako kasi hindi naman ako yung nag-joke.

“Si Vice naman yung nag-joke, pero ako yung napagbuntunan.” 

Pag-alala pa ni Bela, “Nagulat ako kasi noong mismong araw ng GGV, puro positive.

“'Tapos the next day, siguro nakapag-isip-isip na sila, nagkakuwentuhan na sila, 'Bakit ganun?'

“Feeling ko ganun yung nangyari, the next day na siya lumabas. Pero okay na rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero okay lang, naiintindihan ko naman.

"Ang dami naman naming kinakanta noong araw na yun, at saka napuruhan din ako.”

Sa kabila ng nangyari, naiintindihan daw ni Bela ang naging reaksiyon ng fans ni Kim.

“Naiintindihan ko rin kasi fans iyan, iba yung bugso ng damdamin nila.

“Kapag may naiisip sila, nasasaktan talaga. I understand."

Dagdag pa niya, "Ganun kami ni Kim kahit behind the scenes.

“Hindi naman nila alam yung nangyayari. After ng GGV, kumain pa kaming tatlo nila Vice.”

Bagamat may ganitong nangyari, tiniyak ni Bela na hindi ito magiging dahilan para umiwas silang mag-guest muli sa GGV.

Aniya, “Hindi, masaya yun. Ano yun, reaction palagi ng tao. Iba-iba tayo ng opinyon.

“Okay naman, tanggapin mo lang. Basta kami, nag-enjoy naman kami.

“At saka ang episode nga, best friend episode, nag-enjoy lang naman kami ni Kim.”


Stories We Are Tracking

Kim Chiu not bothered by jokes of Bela Padilla on <em>GGV</em>
Kim Chiu not bothered by jokes of Bela Padilla on GGV


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN