Has Vhong Navarro forgiven Cedric Lee, Deniece Cornejo?

by Bernie V. Franco
Aug 3, 2018
Vhong Navarro responds when asked if he has forgiven the group of Cedric Lee and Deniece Cornejo. He says, "Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa."

Bakas sa mukha ni Vhong Navarro na tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib pagkatapos hatulan na guilty sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa niya laban sa mga ito.

Ito ay kaugnay ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece sa condominium unit ng huli sa Taguig City noong January 22, 2014.

Inilabas ng Metropolitan Trial Court Taguig Branch 74 ang desisyon laban sa tatlong akusado noong July 27, 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga.

"Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko," pahayag ni Vhong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa media conference ng kanyang upcoming movie, ang Unli Life, nitong Huwebes ng gabi, August 2.

Nakapagpatawad na ba siya sa mga taong may kagagawan ng insidenteng kinasangkutan niya noong 2014?

Tugon ng It's Showtime host, “Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa.

“Kasi mahirap magpatawad kung ang tao, e, hindi pa rin sila... may galit pa sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad.”

Bagamat maraming taon na ang lumipas, inamin ni Vhong na may mga pagkakataon pa ring nananariwa ang masaklap na nangyari sa kanya, lalo na kapag napag-uusapan ito.

Saad niya, “Kaya nga hangga't maaari, yung mga bagay na ayoko nang pag-usapan, kasi ito yung bumabalik uli, e.

“Kumbaga, nakakapag-move on na tayo kahit papa'no, pero pag nababalik uli dun sa mga balita...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hangga't maaari nga, hindi na ako nanonood ng balita, hindi na ako nagbabasa ng diyaryo.

"Kasi nga, hangga't maaari, gusto ko nang dumire-diretso.

“Kailangan nating umandar yung buhay natin, di ba?

“Pero kung babalikan natin, parang natitigil ako't sumasariwa sa akin ang mga pangyayari.”

Ayon pa kay Vhong, matapos ang pangyayaring iyon ay sumailalim siya sa therapy dahil sa trauma.

“Yung nasa ospital ako, yun ang ginawa ko. 'Tsaka nung lumabas ako, meron pa rin akong ginawang sessions.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro responds when asked if he has forgiven the group of Cedric Lee and Deniece Cornejo. He says, "Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results