Marlo Mortel prays for miracle for his mother

by Nerisa Almo
Aug 3, 2018
"Happy po sa blessings. Pero siyempre, hindi naman fully happy kung di pa okay si Mama," says Marlo Mortel, who now prays for a miracle to heal his mom from breast cancer.

Nananatiling grateful si Marlo Mortel sa mga oportunidad na dumarating sa kanya.

Bukod sa regular hosting stint niya sa Umagang Kay Ganda, magiging bahagi rin si Marlo ng gagawing pelikula ng Regal Films, ang One Great Love, na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Kim Chiu.

Sa mga susunod na linggo ay nakatakda ring i-release ang first album ni Marlo under Star Music, at susundan pa ito ng isang concert sa October.

Lubos daw sana ang kasiyahan niya sa mga dumarating na blessing kung magiging maayos din ang kalagayan ng kanyang inang may breast cancer.

Noong July 23, nag-post si Marlo sa kanyang Twitter account ng mensahe na “Lord, we are praying for a miracle.”

Kaya naman sa ginanap na story conference ng One Great Love noong Lunes, July 30, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marlo ang kalagayan ng kanyang ina.

“Hindi po siya okay,” ang malungkot na tugon ni Marlo.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, “Basta lumala nang lumala.

“Kumbaga, last year, malala na siya kaya nagpa-benefit concert ako, di ba?

“Mas grumabe pa kaya umaasa na lang kami ng miracle.”

Sa kabila nito, lubos pa rin ang pasasalamat ni Marlo.

Aniya sa huli, “Happy po sa blessings. Pero siyempre, hindi naman fully happy kung di pa okay si Mama.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Happy po sa blessings. Pero siyempre, hindi naman fully happy kung di pa okay si Mama," says Marlo Mortel, who now prays for a miracle to heal his mom from breast cancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results