Senate President Tito Sotto draws flak anew over "hipo" remark

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2018
Deadma raw si Senate President Tito Sotto sa bashers niya. Dapat daw ay intindihin ng mga ito ang kanyang mga nasabi bago maghayag ng kritisismo laban sa kanya. 

Nasa sentro na naman ng kontrobersiya si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Binatikos ng netizens ang kanyang pananaw tungkol sa “hipo” habang tinatalakay sa Senate floor noong Miyerkules, August 1, ang Senate Bill No. 1326 o Safe Spaces bill.

Tinanong ni Sotto ang sponsor ng proposed bill na si Senator Risa Hontiveros kung ang public harassment sa Senate Bill 1326 (Safe Streets Act) ay kahalintulad ng anti-discrimination provisions ng Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) bill.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na ang panukala tungkol sa Safe Street Act ay naka-focus sa "unwanted comments, gestures, and actions forced on a person in a public space without their consent and is directed at them because of their actual or perceived sex, gender, gender expression, or sexual orientation and identity."

Sa kabilang banda, ayon kay Hontiveros, ang SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Bill ay nagbabawal ng "discrimination on the basis of SOGIE in terms of access to public service, including military service; employment, education, accreditation, medical service, or imposition of harsher sanctions.”

Kasunod nito, tinanong muli ni Sotto si Hontiveros ng ganito: “Are we not limiting the act of harassment when it’s committed on streets and public spaces by including the qualifier, gender based?"

Paliwanag pa ng senate president, "Baka puwedeng iwasan natin yun kasi, for instance, just to set an example: in an alley, a straight guy touched the groin of another straight guy who just happened to pass by just to vex him and not because of the person's SOGIE. In this bill, would the offender be held liable?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For example, yung sinabi ko na binibiro lang, hinipuan na ganun, will they be liable? You said yes, the answer I think is no."

Sagot ni Hontiveros, “Ang babaeng hinipuan ng lalaki, hindi po namin yun tinatanaw na biro because that truly makes women feel unsafe.”

Dahil dito, pinagpiyestahan ng netizens ang komentong ito ni Sotto.

JUDGMENTAL PEOPLE

Sa inilabas namang statement ni Senator Sotto ngayong araw, August 3, sinabi nitong dapat himaying mabuti ng kanyang mga kritiko ang katanungan niya bago sila manghusga.

Pahayag niya, "It was a question. They should find out what's true before they judge people

"I do not want to pay attention to judgmental people.”

Hindi ito ang unang pagkakataong nabatikos si Sotto dahil sa kanyang mga komento.

Noong 2017, nabatikos din si Sotto dahil sa kanyang “na-ano” comment kay noo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-designate Judy Taguiwalo sa hearing ng Commission on Appointments (CA).

STORIES WE ARE TRACKING

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deadma raw si Senate President Tito Sotto sa bashers niya. Dapat daw ay intindihin ng mga ito ang kanyang mga nasabi bago maghayag ng kritisismo laban sa kanya. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results