Winwyn Marquez not ready to accept marriage proposal of Mark Herras

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Winwyn Marquez loves Mark Heras, but she is also enjoying a surge in her career. For her, there's no conflict: "Ngayon lang ito, e… Pero importante siya sa akin, ayoko siyang mawala. Willing to wait naman siya."


Diretsahang sinabi ni Winwyn Marquez na hindi pa siya handa kung mag-marriage proposal ang kasintahang si Mark Herras.

Nagpahayag na kasi ang aktor ng pagnanais na bumuo ng pamilya matapos ang dalawa o tatlong taon.

Pero tugon ni Winwyn nang tanungin kung handa na ba siyang alukan ng kasal, “Hindi pa.”

Paliwanag ng actress-beauty queen, “Hindi pa naman namin napag-uusapan talaga yung kasal.

“Hindi pa naman siya nagpu-propose sa akin, pero sinabi ko naman sa kanya na ngayon pa lang talaga nag-i-start yung career ko.

“So, he’s willing to wait, I have three years with GMA. Siyempre, gusto ko yun lang muna talaga ang gawin ko.

“Understanding naman siya. Willing to wait naman siya… sana, willing to wait siya.

“Very supportive naman siya sa lahat ng ginagawa ko kahit minsan, once a month lang kami nagkikita.

“Every weekend, parang long-distance relationship nga, e. Parañaque-Commonwealth… Long distance relationship na yun para sa amin.”

Nakatira sa Commonwealth, Quezon City si Mark, samantalang sa poder naman ng kanyang amang si Joey Marquez sa Parañaque naninirahan si Winwyn.

Nakausap si Winwyn ng PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang press conference ng Unli Life, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Vhong Navarro na official entry ng Regal Entertainment Inc. sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place, San Juan City, nung Huwebes, August 2.

LOVING HIM, LOVING HERSELF

Ayon na rin kay Winwyn, nauunawaan naman daw niya ang hangarin ng boyfriend na lumagay na sa tahimik.

“Nasa edad na rin siya, he’s turning 32 years old this year.  Ako naman 26 years old.

“So, wala namang tendency na maghiwalay kami or anything, pero he’s willing to wait sabi niya sa akin.”

Paano kung biglang kumalas si Mark sa pangako nito?

Mabilis ang naging tugon ni Winwyn, “Naku, bahala siya kung ayaw na niya. E di okey.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, makikita sa social media posts ng magkasintahan kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Sa kabilang banda, ipinagdiinan din ni Winwyn na hindi siya umaasa sa lalaki para maging masaya o makaramdam ng pagkabuo.

Sabi pa niya, “I don’t depend on one guy, siyempre, gusto ko may sarili rin ako [desisyon].

“Parang ugali ko yun, e.  I’m not whole because of one guy, I’m whole because of my self lang.

“Siyempre, ayoko siyang mawala kasi boyfriend ko siya. 'Pag may boyfriend ako, sana yun na ang forever ko.

“Pero yung sabihin na hindi kayang mawala, or baka maglupasay or anything? No, I don’t think that.

“Pero importante siya sa akin at hopeful ako na tumagal pa [kami].”

CAREER OVER MARRIAGE

Nanindigan si Winwyn na career muna ang priority niya sa kasalukuyan.

“Ngayon lang ito, e,” aniya. “Alam niyo yun lahat!

“Ngayon lang 'to, surreal nga sa akin, e.

“'Pag kausap ko si Mark, lagi kong sinasabi, ‘Totoo ba talaga yung nangyayaring ito?’”

Alam ni Winwyn na kung sakali mang umakyat ang kanyang karera sa pelikula at telebisyon, hindi magiging problema sa kanila ni Mark.

“I don’t think so.  Mark is very understanding and ako naman kahit sobrang sumikat or something, hindi naman pumapasok sa utak ko yun, e.

“Tinuruan kami… tignan niyo po naman ang tatay ko, tinuruan kami ng tatay ko na yung paa namin nasa ground talaga.

“It depends on how you treat your relationship, it depends on how you treat each other.

“Huwag na lang magpaapekto sa mga outside things, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN