Rhian Ramos asks: "Is it against the law to cuss at a senator?"

IMAGE @whianwamos on Twitter and Instagram

Rhian Ramos tweets amid controversial statement of Senator Tito Sotto about Safe Spaces Bill: "Is it against the law to cuss at a senator?"


Tila may gustong murahing senador si Rhian Ramos dahil sa matinding galit.

Sa kanyang Twitter account ngayong Biyernes, August 3, tinanong ng Kapuso actress ang kanyang followers kung ipinagbabawal ba sa batas ang pagmumura sa isang senador.

Aniya, "Is it against the law to cuss at a senator? I dont plan to.. Im legit just wondering.”

Walang binanggit na pangalan si Rhian. Wala rin siyang sinabi kung tungkol saan ang kanyang tweet.

Gayunman, ilan sa followers ng aktres ang inugnay ang tweet niyang ito sa panibagong kontrobersiyal na pahayag ni Senate President Tito Sotto patungkol sa Senate Bill No. 1326 o Safe Spaces Bill.

Viral ngayon ang pahayag ng senador na: “For example, yung sinabi ko na binibiro lang, hinipuan na ganun, will they be liable? You said yes, the answer I think is no.”

Sa tweet ni Rhian, kapansin-pansin ang ilan na nakisimpatiya sa nararamdaman niya at iniugnay ito sa isyu ni Sotto.

Ang iba naman, pinayuhan si Rhian na murahin ang senador na di niya pinangalanan.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag mula kay Rhian upang linawin ang kanyang naunang Twitter post.

SENATE DEBATE

Nagkaroon ng debate sa pagitan ni Sotto at ng kapwa niya senador na si Risa Hontiveros sa Senado kahapon, August 2.

Ito ay kaugnay ng pagtalakay nila sa Senate Bill No. 1326 o Safe Spaces Bill, na ini-sponsor ni Hontiveros.

Tinanong ni Sotto kung ang gender-based street and public harassment provision ng SB 1326 ay kapareho ng anti-discrimination provisions of the Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) bill.

Sagot ni Hontiveros, ang SOGIE Equality Bill ay patungkol sa pagbabawal ng diskriminasyon base sa SOGIE para sa serbisyo publiko tulad ng “military service; employment, education, accreditation, medical service, or imposition of harsher sanctions.”

Samantalang ang Safe Spaces Bill, na tinatawag ding Safe Streets Act, ay tungkol sa “unwanted comments, gestures, and actions forced on a person in a public space without their consent and is directed at them because of their actual or perceived sex, gender, gender expression, or sexual orientation and identity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, muling tinanong ni Sotto si Hontiveros, “Are we not limiting the act of harassment when it’s committed on streets and public spaces by including the qualifier, gender based?”

Dagdag paliwanag pa niya, “Baka pwedeng iwasan natin yun kasi, for instance, just to set an example: in an alley, a straight guy touched the groin of another straight guy who just happened to pass by just to vex him and not because of the person's SOGIE.

“In this bill, would the offender be held liable?

“For example, yung sinabi ko na binibiro lang, hinipuan na ganun, will they be liable? You said yes, the answer I think is no.”

Buwelta naman ni Hontiveros kay Sotto, “Ang babaeng hinipuan ng lalaki, hindi po namin yun tinatanaw na biro because that truly makes women feel unsafe.”

JUST A QUESTION

Samantala, sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Sotto na tinanong lamang niya si Hontiveros bilang paglilinaw.

Sabi pa niya sa kanyang mga kritiko, “They should find out what's true before they judge people.”

Sa huli, sinabi ni Sotto na ayaw na niyang bigyan ng pansin ang kanyang mga kritiko.


Stories We Are Tracking

Senator Tito Sotto draws flak anew over
Senator Tito Sotto draws flak anew over "hipo" remark


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN