Vhong Navarro mum when asked about wedding plans with non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal

"Basahin n'yo na lang ang ngiti ko. Yung date, hindi pupuwede nating sabihin," says Vhong Navarro when asked about his marriage plans with his non-showbiz girlfriend.


Matipid ang mga sagot ni Vhong Navarro nang matanong siya kung kailan niya balak pakasalan ang kanyang long-time non-showbiz girlfriend na si Tanya Bautista.

Tukso nga kay Vhong, malalaki na ang kanyang dalawang anak: Ang isa ay nasa kolehiyo na, samantalang ang isa pa ay papasok na rin sa college.

Tiniyak ng It’s Showtime host na sigurado na siyang ang kanyang current girlfriend na ang kanyang pakakasalan.

“Basahin n’yo na lang ang ngiti ko. Yung date, hindi pupuwede nating sabihin,” ngiti ni Vhong nang makausap ng entertainment press sa presscon ng Unli Life, ang pelikula niya kasama si Winwyn Marquez.

Ibig bang sabihin ay nakapag-propose na siya?

“Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na yung forever ko, e. Kumbaga wala nang iba. Kumbaga bumubwelo na lang ako kung kelan,” paiwas niyang sagot.

Biro pa ni Vhong, mas gusto raw nila na gawing pribado ang kasal.

“Mas tipid daw yun. Kasi yung girlfriend ko kasi, hindi naman kasi siya showbiz, e. So hindi siya yung maraming tao. Gusto niya yung intimate. Gusto niya tatlo lang kami nung pari.”

Ipinaliwanag din ni Vhong kung bakit hindi niya puwedeng ibunyag ang petsa kung kailan nila balak magpakasal.

“Siyempre nire-respect ko yung partner ko, e. Hindi naman pwedeng ako lang 'to, e. Dalawa na kami dito. Kung ano ang parehas na gusto namin dapat.”

Ang tanging paniniyak niya tungkol sa kasintahan, “Basta kung ano man, kung saan pupunta ito, masaya ako na siya ang kasama ko until now.”

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN