JC Santos moves on from past breakup: "Scars na lang!"

by Nerisa Almo
Aug 4, 2018
After a heartbreak, JC Santos chooses to set aside love life and focus on his showbiz career, "Papunta na ako dun, pakakasalan ko na 'to [trabaho]. Mas masaya akong nagtratrabaho ngayon. Lalo na ako, baguhan pa lang ako."

Maaaring maiugnay ang personal na karanasan ni JC Santos sa karakter na gagampanan niya sa pelikulang The Day After Valentine's.

Base sa paglalarawan ni JC, makakaranas ang karakter niyang si Kai ng isang heartbreak at susubukang mag-move on mula rito.

“Ang take ko sa pelikula, papaano ka ba kapag may sugat ka? Ano ang una mong ginagawa?

“Habang may sugat ka, ano ang nangyayari sa iyo?

“At ano ang nangyayari kapag naging scar na siya?

“Yun ang biggest question ng pelikula, kung papaano ka mag-deal sa pain kapag may sugat ka at kung paano mo siya ide-deal kapag scar na siya,” sabi ni JC sa ginanap na press conference ng The Day After Valentine's, nung August 2, Huwebes.

Matatandaan na noong mga unang buwan ng taong 2018, lumabas ang balitang hiwalay na sila ng kanyang naging girlfriend for four years, ang stage actress na si Kristine "Teetin" Villanueva.

STORIES WE ARE TRACKING

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nasaang stage na siya ngayon ng pagmu-move on: Sa may sugat pa o nasa scar stage na?

Continue reading below ↓

Maligalig na sagot ni JC, “Nandun na ako sa living in the moment!”

Sabay biro ng co-actor niyang si Bela Padilla, “Nalagyan na niya ng sebo de macho yung scars niya.”

Tinanong ng isang reporter kung wala nang pain, sagot ni JC, “Scars na lang!”

Sa ngayon, binubuhos lang ni JC ang kanyang atensiyon sa trabaho.

Bukod sa pelikula, regular ding nakikita ang aktor sa prime time series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

“Papunta na ako dun, pakakasalan ko na 'to [trabaho].

“Mas masaya akong nagtratrabaho ngayon. Lalo na ako, baguhan pa lang ako,” ani JC.

Nang tanungin kung nakikipag-date na siya ngayon, natatawang sagot ni JC, “Wala pa, e. Yung aso ko ka-date ko.”

ENJOYING HIS LIFE

Samantala, saksi naman si Bela sa masayang aura ngayon ni JC Santos, na minsan na rin niyang nakasama sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella.

Aniya, “Happy ako ngayon dahil ine-enjoy niya ang buhay niya. When I say ine-enjoy ang buhay, hindi siya nagde-date around, ha. Naghahalaman siya, inaalagaan niya ang aso niya, nagbabasa siya ng libro.

Continue reading below ↓

“Iba yung happiness niya kapag kinukwento niya sa 'yo na, 'Uy, may bago akong halaman.'

“So, nakakatuwa at least, ine-enjoy niya ang life niya.”

Natatawa naman itong tinanggap ni JC, “Uncle na uncle ako dun. Titong-tito lang po.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After a heartbreak, JC Santos chooses to set aside love life and focus on his showbiz career, "Papunta na ako dun, pakakasalan ko na 'to [trabaho]. Mas masaya akong nagtratrabaho ngayon. Lalo na ako, baguhan pa lang ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results