Joey Marquez on Mark Herras video scandal: "Okey lang yun, kasi part iyon ng being young."

IMAGE Noel Orsal

Joey Marquez on his current relationship: "I am with somebody na private na naiintindihan ang sitwasyon ko. Na tinanggap, priority ko ang mga anak ko."


“Very civil kami,” kaswal na bulalas ni Joey Marquez nang usisain tungkol kay Mark Herras, boyfriend ng anak niyang si Winwyn Marquez.

Pagpapatuloy ni Joey, “Wala naman akong ano sa kanya, e! Wala akong against sa kanya.

“Ang iniisip ko lang, kailangan, para makapasok ka sa isang seryosong relasyon, secure kayo pareho.

“Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang.

"Iyang pag-ibig, natutunaw iyan pag wala nang pagkain sa lamesa, e.

“Ibang usapan na pag walang pagkain, walang pambayad ng electricity.”

Nag-react ba siya nang lumabas ang self-sex video ni Mark?

“Ano yun? Meron ba?” pagkunot-noo ni Joey.

Dati pa kumalat iyong screen shots, pero lumutang ang video scandal ni Mark a couple of months ago.

Sabi ni Joey, “Okey lang yun, kasi part iyon ng being young, e.

“Okey lang yun. Lalaki ako, e!”

Noong panahon niya, wala pang mga ganun.

“Ako, gusto ko ngang gumawa, e!” sambit ni Joey, na ikinatili at ikinakiliti ng mga reporter na nag-iinterbyu sa kanya sa presscon ng pelikulang Unli Life nitong Agosto 2, Huwebes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Meron kayang may gusto? Meron kayang manonood?”

Meron! May market siya! Maraming interesado!

“Talaga?!” pagmulagat ni Joey, kaya lalong naaliw ang mga reporter.

“Meron ba? Sana pala, nagpakuha ako, ‘no?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hirit pa ng aktor, “Hindi! Baka maraming magalit sa aking lalaki! Baka i-compare, e!”

Dati, pabukol lang sa underwear o swimwear ang mga aktor—sa photo shoot, eksena sa pelikula, o swimming competition sa Star Olympics ng Actors Guild.

“Wala pa kasing mga kamerang ganyan, e! Ang mga telepono natin noon... helloooo?!” pagmuwestra ni Joey.

“E, ngayon, mautot ka lang, alam na, e!”


Stories We Are Tracking

Mark Herras speaks up about his viral video scandal
Mark Herras speaks up about his viral video scandal
Vitto Marquez defends Mark Herras on video scandal
Vitto Marquez defends Mark Herras on video scandal

A FATHER'S ADVICE

Sabi ng anak niyang si Vitto Marquez, tinuruan niya itong gumamit ng proteksiyon.

“Lahat, sinabi ko sa kanya,” pagkumpirma ni Joey.

“Sabi ko sa kanya, lahat ‘yan, napakadaling gawin. Pero napakahirap gamutin. Napakahirap iwasan. Napakadaling gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero bottom line diyan, kahit anong sabihin ko... pag gusto ninyo, magiging problema ‘yan.

“Kaya lagi kong sinasabi, learn from what happened to me!

"Buti nga kayo, masuwerte, dahil nakita ninyo ang ginawa ko, e! Merong nagsasabi sa inyo, ‘Ito, mali!’

“Sa akin, wala, e.

“Saka tandaan ninyong mabuti, huli na nang malaman ko... na yung mga babae noong araw, katawan ko lang ang kailangan.”

Hagalpak muli si Joey bago nagpatuloy na animo’y seryosong naghihinampo, “Pagkatapos akong anakan, iniwanan ako! O, di ngayon, alam ko na!

“Kapag tinanong niyo ako, ilan ang anak ko... hindi ako nanganganak...”

Labing-apat ang mga anak ni Joey sa iba-ibang babae. Anim na ang kanyang mga apo.

Gusto niyang magkaapo sa lahat ng kanyang mga anak, basta siguraduhin muna ng mga ito na stable na ang lagay nila sa buhay.

Seryosong paliwanag ni Joey, “Dati, puro puso ako, e! Nakalimutan ko na mas mataas pala ung ulo sa puso.

“E, kasi, pagkakaalam ko noon, mataas ang puso sa ulo,” sabay lipat ng palad sa dibdib tungo sa ulo sa ibaba.

“Baligtad pala yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ngayon ko lang na-discover, nasa ‘taas pala!”

Kaibigan ni Joey ang mga ina ng kanyang mga anak.

“Wala naman akong kaaway, e!” pakli ni Joey.

“Kasi, may pinagsamahan din naman kayo kahit papaano.”

Stewardess ang karelasyon ngayon ng aktor.

Aniya, “I am with somebody na private na naiintindihan ang sitwasyon ko. Na tinanggap, priority ko ang mga anak ko.”

Ambagsik pa rin ng kamandag ni Tsong, huh?!

“Hindi naman siguro,” mapagkumbabang sansala ni Joey.

“Kasi siguro, alam mo... daig ng may humor yung magandang lalaki. At saka may kasabihan tayo, di ba...

“Sabi nila, 'It’s not how big it is, it’s how you use it.'

"Ang problema sa akin, big na nga, I know how to use pa!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN