Bela Padilla shuts up any talk about Zanjoe Marudo

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla says she tries dating, but it's not working: "Hindi kasi ako ma-date na tao. Ayoko ng nagte-text na wala rin namang kapupuntahan, hindi ako mahilig."

 


Bago naganap ang pagkumpronta ni Bela Padilla sa entertainment editor na naka-offend sa kanya sa nakaraang press conference ng Pista ng Pelikulang Pilipino nung Hulyo ay sige ang entertainment press sa katatanong sa kanya tungkol kay Zanjoe Marudo sa presscon ng The Day After Valentine's.

Read: Bela Padilla confronts entertainment editor who offended her

Hindi na nga ba okey ngayon sina Bela at Zanjoe?

Iwas talaga si Bela na pag-usapan ang tungkol sa Kapamilya hunk na minsan nang na-link sa kanya.

Humirit pa ito na respeto na rin sa kanyang leading man na huwag na lang itong pag-usapan.
 
Pero nagbiro si JC na okey lang daw sa kanya at gusto rin niyang marinig.

Tuloy ay napilitan ang aktres na sagutin ang tanong, “Okey naman, nagkita pa kami sa isang event, okey naman.”
 
Paliwanag pa niya, “Hindi lang kasi kami nagkaroon ng time na parang magkatrabaho ulit.  

“So hindi kami nagkikita palagi every day tulad ng pag may taping, iba siyempre yung nakikita mo palagi.

“E, ngayon... may kanya-kanya rin kaming trabaho, busy rin siya, walang time mag-catch up.”
 
Mas lalong ayaw sagutin ni Bela ang tanong tungkol sa bagong nali-link kay Zanjoe.

Read: Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
 
Aniya, “Naku, huwag na po nating pag-usapan. Hindi po ako part nun, e. Sila lang yun.”

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool & Events Place, Quezon City noong August 2.

SECOND TIME AROUND

Ikalawang pagtatambal nina Bela at JC ang The Day After Valentine’s ng VIVA Films.

Magsisimula nang mapanood ang pelikula nationwide sa August 15.

Ito rin ang ikalawang entry nila sa ikalawang taon ng PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).
 
Noong isang taon na ginawa nila ang top-grosser ng PPP na 100 Tula Para kay Stella ay newly single si Bela resulta ng breakup nila ni Neil Arce.

Si JC naman ay in a relationship nung mga pahahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay pareho na silang single.
 
“Katulad ng paulit-ulit naming sagot, pinakasalan na namin ang trabaho namin,” sabi ni Bela.
 
Biro pa niya, “Showbiz na ang jowa ko.”
 
Give up na siya sa love life?
 
“Hindi naman, priority lang talaga namin ang trabaho,” nakangiting sabi niya.

Ngayong available na si JC, ayon kay Bela ay mas masaya raw itong katrabaho bilang leading man.
 
Sabi niya, “Ang sarap niya ngang kasama ngayon.
 
“Kasi last year, mas nagkakahiyaan pa siguro kami, pero ngayon, chika galore na kami. Super!

“Friendzone niya rin naman ako, parang ang tawagan namin, kaps, mumshie, kung anu-ano pa.”

JUST FRIENDS

Dahil pareho na nga silang single, may posibilidad din ba na mag-level-up ang pagiging magkaibigan nila?
 
Tugon ng aktres, “Parang hindi pa kasi yun nga, naging mag-best friend kaming dalawa, naging tropa kami.
 
“Parang kapag nagka-girlfriend siya, kailangan dumaan sa akin, wow! 
 
“Noong nakilala ko kasi si JC, may girlfriend siya, e. Yun ang pinag-uusapan namin palagi na, ‘O, kumusta ang girlfriend mo?’

“So, hindi kami nagkaroon ng ganoong ideya at saka hindi naman kailangan na lahat ng makatrabaho… ”
 
Napag-uusapan din naman daw nila ang mga naging past relationship nila.
 
Lahad ni Bela, “Ginagawa naming reference for work at kapag nagkamustahan, ‘O, anong nangyari sa inyo?’ Yung ganun.”
 
Biro uli niya, “In fairness, marami akong alam.”

Pagkatapos ng breakup nila ni Neil ay sinubukan naman daw ni Bela na makipag-date.
 
Aniya, “Nag-try lang ako, pero hindi kasi ako ma-date na tao.
 
“Ayoko ng nagte-text na wala rin namang kapupuntahan, hindi ako mahilig.  

“Hindi ako napunta sa ganung direksiyon din talaga, e. Kahit noong high school.
 
“Akala ko merong isa na parang magseseryoso, kaso hindi, e.  Hindi nag-work, so okey lang yun.

“Siguro nga, yung priority sa buhay rin.  Masyado kong inuuna palagi yung work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN