Lindsay Johnston not yet ready for sexy image, daring roles

IMAGE Noel Orsal

Kapuso teen actress Lindsay Johnston (formerly Lindsay de Vera) explains why she feels she's not yet ready to bare: "Never ko pa pong in-attempt na mag-post na naka-bikini ako. Siguro po someday kapag confident na ako sa body ko. Sa ngayon po kasi, ayoko pa at hindi pa ako confident na gawin iyon."


Nag-celebrate ng kanyang debut ang Kapuso teen actress na si Lindsay Johnston (formerly Lindsay de Vera) noong nakaraang January 26, 2018.

Naging tahimik lang daw ang 18th birthday niya dahil mas pinili niyang mag-celebrate sa isang children's hospital kesa sa magkaroon ng engrandeng party.

“GMA Artist Center offered to give me a debut party and even my own family, but I already decided na mas gusto kong mag-charity work.

“And I chose this particular children's hospital para doon ako mag-celebrate ng 18th birthday ko.

“For me, minsan nga lang tayo maging 18, let's make it meaningful na.

“I have nothing against big parties, pero naisip ko rin na masyadong malaki ang gagastusin for a party na isang gabi lang mangyayari.

“Why not just use or donate that money para sa mga batang mas nangangailangan?

“Sa totoo lang po, I had fun with the kids.

“The spent the whole day visiting lots of kids sa ospital na iyon.

“May dala kaming food, medicines and gifts for them.

“I can really say that it was the most meaningful birthday celebration I had,” masayang kuwento ni Lindsay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng telefantasya na Victor Magtanggol noong nakaraang July 23.

CONSERVATIVE

Kahit na 18 anyos na si Lindsay, hindi pa raw ito ready na magpaka-daring sa mga future roles niya sa TV.

Inamin ng teen actress na may mga bagay na hindi pa rin niya kayang gawin tulad ng kissing scene or magsuot ng mga sexy na damit.

Kahit daw sa Instagram feed niya, never pa siyang nag-post na naka-bikini siya tulad ng ginagawa ng kaedad niyang teen girls.

“I come from a very conservative family.

“Very protective ang parents ko kaya sumusunod pa rin ako sa mga gusto nila.

“Although pagdating naman po sa showbiz work, they trust GMA, especially when it comes to the roles na binibigay po sa akin sa mga teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When it comes to my social media accounts, hindi talaga ako nagpu-post pa na naka-bikini ako or any swimwear.

“Nahihiya po kasi ako!

“Kaya ang mga beach photos ko, naka-sundress ako.

“Never ko pa pong in-attempt na mag-post na naka-bikini ako.

“Siguro po someday kapag confident na ako sa body ko.

“Sa ngayon po kasi, ayoko pa at hindi pa ako confident na gawin iyon.

“Okey na muna ako na mag-post ng naka-gown or kapag natuwa ako sa makeup ko magse-selfie ako.

“Or sometimes yung dog ko ang pino-post ko. Wholesome pics po muna,” diin pa ni Lindsay.

NOT YET READY FOR SUITORS

Kahit nga raw suitors ay hindi pa nag-e-entertain si Lindsay dahil promise niya sa parents niya na uunahin niya ang career kesa sa pagkakaroon ng boyfriend.

Ito ang naging dahilan kung bakit tumigil sa panliligaw sa kanya ang Kapuso actor na si Renz Valerio.

Dahil daw sa pakiusap ni Lindsay kay Renz na huwag siyang ligawan muna, one year na raw silang hindi nag-uusap or nagkikita.

“I still consider Renz as my good friend.

“Kasi po, bata pa lang kami, magkaibigan na kami.

“Halos sabay kaming nagsimula sa GMA-7.

“Natigil po ang communication namin. May one year na po yata.

“I don't know nga kung ano na ang balita sa kanya.

“Before, nagbabalitaan kami through text messages or messages sa Facebook.

“Pero kahit na we don't get to see or talk with one another, I'm still the same Lindsay na nakilala niya.

“Kaibigan pa rin niya ako and nothing has changed,” paniguro pa ni Lindsay.

LUCKY TO WORK WITH ALDEN

Thankful naman ang Kapuso teen actress dahil muli siyang napasama sa isang malaking primetime series na Victor Magtanggol.

Huling napanood sa primetime si Lindsday via Alyas Robin Hood 2.

Sa kanyang IG, nag-post ng kanyang pasasalamat si Lindsay sa GMA-7:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I play the kikay sister of Alden Richards sa Victor Magtanggol.

“I wear different colored wigs kasi mahilig akong mag-cosplay.

“It’s my first time to work with Kuya Alden at siyempre, natuwa ang parents ko kasi paborito nila si Kuya Alden.

“Sa mga naging taping days ko with him, napakabait niya at marami kang matututunan sa kanya about his experiences sa buhay.

“He's a very inspiring person and I am lucky to have worked with him sa kakaibang teleserye na ito.

“It's very different from my past teleseryes kasi ang daming nangyayari.

“May drama, may konting comedy because of the Ex-Battalion, may adventure, may action scenes.

“Parang nandito na lahat.

“Minsan nga po, gusto kong manood sa studio taping nila Kuya Alden na naka-costume sila.

“Pero I want to be surprised, like the TV audience, kapag pinalabas na sa TV,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN