Dion Ignacio changes lifestyle for non-showbiz girlfriend and baby girl

IMAGE Noel Orsal

The first thing Dion Ignacio did after reuniting with his non-showbiz girlfriend: "Una kong tinapon ay ang cellphone ko."


Malaki na raw ang nabago sa nakasanayang lifestyle ng Kapuso actor na si Dion Ignacio mula nung maging ama na siya sa kanyang one-year-old daughter na si Dylann Jailee.

Kung noon daw na binata siya ay mahilig siyang bumarkada, ngayon ay tinigil na raw niya dahil gusto niyang mabago ang lahat dahil isang daddy na siya.

"Noong magka-baby na ako, gusto ko mabago lahat. Kumbaga, clean slate.

"Yun kasi ang pinangako ko sa girlfriend ko na ina ng baby ko.

"Noong magkabalikan kami after eight years na hindi kami nagkakausap, nagkaroon kami ng kasunduan na kapag nag-decide kaming magkaroon na ng pamilya, babaguhin namin ang lahat.

"Hindi naman na kami mga bata. I'm 32 years old na at panahon na rin para isipin ko na ang magkaroon ng maayos na pamilya.

 "Aware naman siya sa buhay ko sa showbiz. Alam niya na may mga barkada ako, mahilig ako sa good time... Buhay-binata.

"Pero noong dumating na nga si Dylanne, sinabi ko na kailangan may mabago na sa buhay ko.

"Kung noon, after ng taping, kapag maaga pa, magba-bar pa kami ng barkada ko, ngayon hindi na, diretsong uwi. Sa Cavite na kasi ako nakatira.

"Pero kahit na makakapagod ang biyahe, mawawala lahat ng pagod kapag nakita ko na ang baby girl ko. Totoo pala yun.

"’Tsaka lahat ng mga desisyon namin, kailangan kasama parati ang kapakanan ng anak namin," pahayag ni Dion sa media launch ng GMA primetime telefantasya na Victor Magtanggol noong nakaraang July 23.

WHAT DION THREW AWAY

Kasama nga raw sa pagbabago ni Dion ay ang iwasan na ang mga babaeng dumaan sa buhay niya.

"Noong mag-work bilang flight attendant ang girlfriend ko, doon kami naghiwalay talaga. Naging kami noong 20 years old ako. Nag-break kami, I was 22 years old pa lang.

"E noong biglang nawala siya, siyempre nalungkot ako. Tao lang tayo na naghahanap ng makakasama, malalambing, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 "’Tsaka bata pa tayo noon, kaya hindi maaalis yung may gusto kang makilalang iba't ibang mga babae.

"Kaya marami rin akong mga nakilala at naka-date. Yung iba sa kanila, bago pa pinanganak ang baby ko, may communication pa kami.

"Kaya naman noong magkabalikan na kami ng girlfriend ko, una kong tinapon ay ang cellphone ko. Nagbago ako ng number para bago lahat ng contacts ko.

"Yung cellphone kong iyon kasi, nandoon ang mga contact numbers ng mga naka-fling kong girls.

"Siyempre, kung seryoso ka na sa relasyon mo at may pamilya ka na, ayaw mong makakasira pa nito. Para wala nang tukso, di ba?

"'Yung hindi ka na ma-tempt na may tawagan ka pang ibang babae or yung matatawagan ka nila.

 “Kaya wala na yung cellphone kong yun. Bagong buhay na tayo talaga.

"I just want to prove na one-woman-man ako at proud na family man na tayo," ngiti pa ni Dion.

NO POSTS YET

Gusto na raw i-post ni Dion sa kanyang social media accounts ang picture ng baby girl niya. Pero pinagkasunduan nila ng kanyang girlfriend na huwag muna.

"Noong nag-turn one year old si Dylanne noong nakaraang June, gusto kong i-post ang mga photos niya.

"Siyempre, proud ako sa baby ko at gusto ko siyang ipakita na sa lahat. Tapos yung mga ninong at ninang niya, mga kasama ko sa trabaho. Kaya star-studded.  

"Pero yung nanay ang pumigil sa akin.

"Huwag daw muna kasi baka may mang-bash daw at mawala ang privacy ng pamilya namin.

"Naisip ko rin na tama siya. Siguro mag-post na lang ako ng photos ni Dylanne kapag medyo malaki-laki na siya.

"At mas maganda pa kung kasal na kami. Kasama yun sa mga plano namin next year. Ang cute daw kasi na si Dylanne ang maging flower girl namin.

"Mas kamukha ni Dylanne ang mommy niya. Sa lahat naman na puwede niyang manahin sa akin, yung tenga pa. Ang laki ng mga tenga ko, di ba? Gano'n na gano'n ang tenga ng baby girl ko!" sabay tawa pa ni Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUCKY BABY

Kaya nagpapasalamat si Dion na napasama siya sa cast ng Victor Magtanggol kunsaan gumaganap siya bilang brother-in-law ni Alden Richards.

"Tama ang sinabi nila na suwerte ang mga babies. Biglang sinabihan ako na kasama ko sa Victor Magtanggol.

"Akala ko kontrabida ako ni Alden. Yung last teleserye ko kasi na Mulawin Vs. Ravena, kontrabida ako. Halos lahat naman ng naging roles ko, kontrabida ako.

"Pero this time, mabait ang role ko kasi bayaw ko si Alden na first time kong makakasama sa isang show.

"Yung mabigyan ako ng ibang role, okey sa akin. Never naman akong naging choosy sa trabaho.

"Wala naman akong karapatan na maging mapili dahil may binubuhay na tayong bata. Kahit na anong work, gagawin ko para sa pamilya ko," pagtapos ni Dion Ignacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN