Pinuna ng ilang netizens ang ipinost na videos ni Diego Loyzaga sa Instagram kung saan pinuputol niya ang isang puno.
Caption niya rito: "Hardinero for the day, Antipolo get away."
Ayon sa ilang netizens na nagkomento, hindi raw magandang ehemplo ang ginagawa ng 23-year-old actor na ipinapakita pa ang pagputol ng puno via social media.
Ipinagtanggol naman ni Diego ang sarili.
Aniya, alamin muna ang konteksto o dahilan ng kanyang post bago magkomento.
“Easy to comment. Not good when you don’t know the context or reason,” depensa ng aktor.
Paliwanag pa niya, kinakapon lang nila ang mga puno para lumago.
“That’s whey we're taking advantage of the rain, pruning the trees for new foliage to grow.
"Not to mention were planting more trees."
Sumagot din sa thread ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga upang depensahan ang anak.
Binanggit pa ni Teresa ang bilang ng iba't ibang punong tanim nila upang patunayang may malasakit sila sa kalikasan.
Mensahe ng ina ni Diego, “Pruning lang and clean up. Taking advantage of the rain for new foliage.
"We have 9 Lanzones, 12 guyabano, 7 avocados, about 30 langka, and another 30 lychee trees to plant.
"Just 1 ipil-ipil had to go. Make room for more.
"We share your passion for trees. Thank you for your care."
Sa mensahe naman ni Diego sa isang kaibigan, sinabi nitong hindi raw mawawala ang mga kritiko kaya mas mabuting hayaan na lang ang mga ito