Sanya Lopez downplays "bida-bida" jokes of brother Jak Roberto

IMAGE @sanyalopez on Instagram

Sanya Lopez on relationship with brother Jak Roberto: "Hindi pa naman [nagkapikunan], never. Wala, e. Sa ngayon, wala kaming pagtatalo ng kapatid ko."


Itinuturing na “siblings goal” ang relasyon ng magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.

Sa katunayan, sa kani-kanilang mga Instagram account, makikita pa silang nag-aasaran. Pero hindi naman ito nauuwi sa pikunan.

Isang halimbawa nito ay ang madalas na pag-post ni Jak ng videos ng nakababatang kapatid sa kanyang Instagram Story at sinasabihan siyang “bida-bida.”

“Hindi ko alam kung saan nag-start yung bida-bida na iyan, sarili niyang ginawa iyan,” sabi ni Sanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng bago niyang product endorsement, ang Seoul White Korea, noong Sabado, August 4.

Natatawang kuwento pa niya, “Siya original niyan. Nag-start iyan noong nagmu-Muay Thai ako.

“Dumating siya, kasi hindi naman kami, actually, sabay mag-workout.

“So, dumating siya, binidyuhan niya ako ng 'Hay, bida-bida.' Doon na nag-start iyon.

“Mahilig din kasi ako mag-explain, so doon niya nakuha yung, 'Ay, bida-bida na naman siya.'”

Sa isa sa mga video na in-upload ni Jak, mapapansing pinahihinto na ni Sanya sa pag-video ang kanyang kuya.

Sabi pa ni Jak dito, “Asar-talo. Napikon na siya.”

Pero nilinaw ni Sanya na sadyang biruan lang ito sa kanilang magkapatid.

“Hindi pa naman [nagkapikunan], never. Wala, e.

“Sa ngayon, wala kaming pagtatalo ng kapatid ko.”

Patunay lamang daw ang “bida-bida” posts nila ni Jak na sobrang malapit silang magkapatid sa isa't isa.

“Ang dami ngang natutuwa sa bida-bida na yun.

“Minsan, siya naman, gagantihan ko sa kung ano ang ginagawa niya!” natatawang sabi ni Sanya.

Sabi pa niya, “Sobra ang bonding namin.

“Although, minsan hindi na rin kami nagkikita kasi nga yung taping [ko] MWF, siya naman TThS. Sa ngayon naman, TThS din kasi nga may movie in akong ginagawa.

“Sa ngayon, nagkikita na kami every Sunday.”

#BidaBidaSibs

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

JAK'S GIRLFRIEND

Samantala, katulad ng kanyang kuya, malapit din si Sanya sa girlfriend niyang si Barbie Forteza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw inaasahan ni Sanya na magiging maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa dahil mas nauna nang nakilala si Barbie sa showbiz.

“Best actress na kasi siya, ang taas na ng tingin ko sa kanya.

“So, parang ini-expect ko na hindi ganun ang treatment na lalo na sa bagong artista,” pag-alala ni Sanya sa first impression niya noon sa kapwa Kapuso actress.

Pero nang makilala niya raw ito, napatunayan ni Sanya na, “Ang bait ni Barbie. Nakilala ko siya na talagang tutulungan ka niya kung hindi mo kaya, nandiyan siya.

“Sobrang humble din kasi ni Barbie.”

Bilang bonding, plano raw nilang dalawa na gumawa ng isang makeup session para sa vlog ni Barbie sa YouTube.

“Nagpaplano kami, kaso ang nangyari nauna na sila ni Jak.

“Hindi lang kami natuloy kasi busy ako, busy din siya. Parang sabi namin, mag-set kami ng isang araw. Siguro soon.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN