Ex-Pinoy Big Brother housemate Cora Waddell marries non-showbiz boyfriend in Australia

by Bernie V. Franco
Aug 6, 2018
Less than a month before she announced their engagement, former Pinoy Big Brother housemate Cora Waddle marries boyfriend Terence Lloyd in Australia.

Ikinasal na ang Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate na si Cora Waddell sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Terence Lloyd, na isang modelo.

Si Cora ay Fil-American habang si Terence naman ay Fil-Australian.

Nitong Linggo, August 5, nag-post si Coraleen ng video ng trip nila sa Australia via YouTube.

Sa huling bahagi ng four-minute video, na may titulong "HAPPY ENDINGS!!!!", ay ipinakita ang pagpapakasal ng dalawa.

Ibinahagi rin ng newlywed couple ang masayang balita sa kani-kanilang Instagram accounts.

Hindi binanggit kung kailan naganap ang kasal nina Cora at Terence, pero na-upload ang Instagram post nila kahapon din, August 5 (Philippine time).

????

A post shared by Coraleen Waddell (@coraleenwaddell) on

Isa sa mga nagkomento sa Instagram post ni Cora ay ang PBB Lucky 7 big winner na si Maymay Entrata.

Tinanong ni Maymay kung bakit hindi siya imbitado sa kasal.

Sumagot naman si Cora na magkakaroon pa sila ng Philippine wedding.

Kabilang din sa mga nagkomento si Alyana Asistio at ang dati ring PBB big winner na si Myrtle Sarrosa.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inanunsiyo ni Cora ang engagement nila ni Terence noong July 11.

He asked, and I said YES!!!! ????

A post shared by Coraleen Waddell (@coraleenwaddell) on

Bukod sa PBB, napanood din ni Cora sa 2017 afternoon teleseryeng Pusong Ligaw, at gumanap bilang isang diwata sa ongoing prime time TV series na Bagani.

Napanood siya sa pelikulang Recipe for Love at Woke Up Like This noong 2017.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Less than a month before she announced their engagement, former Pinoy Big Brother housemate Cora Waddle marries boyfriend Terence Lloyd in Australia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results