Ara Mina gives update on Barbie Imperial after issue with Paul Salas

IMAGE Courtesy: @therealaramina on Instagram

Ayon sa aktres na si Ara Mina, okay naman si Barbie Imperial, co-star niya sa Araw Gabi, matapos itong magkaroon ng isyu sa nobyong si Paul Salas. 


Puring-puri ni Ara Mina ang young actress na si Barbie Imperial dahil sa pagiging sweet at marespeto nito sa kapwa-artista.

Magkasama sina Ara at Barbie sa ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi.

Kuwento pa ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Viber messaging ngayong araw ng Lunes, August 6, laging nagti-text o kaya'y tumatawag si Barbie kapag wala siyang call slip sa taping.

Dalawang linggo raw walang taping si Ara sa show kaya kinukumusta raw siya ni Barbie tuwi-tuwina.

Last week, napag-usapan nilang mag-dinner at um-attend ng fellowship sa Christ's Commission Fellowship (CCF).

Nangyari na ito kahapon, August 5.

Ibinahagi pa ni Ara sa Instagram ang pagkikita nila ni Barbie.

Caption dito ng aktres, “Dinner after church with @msbarbieimperial and tita @imperial_bing (wala sa pic si tita) post birthday celebration na rin dahil wala ako sa birthday mo.”

Noong August 1 ang ika-20 kaarawan ni Barbie.

Ayon kay Ara, hindi nila napag-usapang maigi sa dinner ang isyu ni Barbie sa rumored ex-boyfriend nitong si Paul Salas.

“Hindi masyado, e, but she’s okay naman,” paniniguro niya.

Pumutok ang isyu tungkol sa hiwalayan nina Barbie at Paul nang mag-post ang una ng larawan ng kanyang mga braso at dibdib na may pasa noong July 14.

Ngunit wala pang opisyal na pahayag ang magkabilang kampo tungkol dito. 

Samantala, sa IG Stories ni Barbie, nag-post naman siya ng video ni Ara na kuha sa fellowship.


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN