Sherwin Ordoñez hopes half-brother CJ Ramos will learn from arrest

by Arniel C. Serato
Aug 7, 2018
Sherwin Ordoñez assures half-brother CJ Ramos of their support: "Andito lang ako, kami ng mga pamilya niya, hinding-hindi siya tatalikuran anuman ang mangyari dahil mahal namin siya."

Isinisi ni CJ Ramos sa kahirapan at depresyon ang kanyang pagkagumon sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon pa sa 31-year-old former child actor, halos napunta sa wala ang kanyang naipundar noong aktibo pa siya sa showbiz kaya ibinaling niya ang atensiyon sa droga.

Kuwento naman ng kanyang half-brother, ang dating actor-dancer na si Sherwin Ordoñez, “Yung napag-ipunan niya kasing pera, in-invest niya.

"Ginawa niya, ibinenta niya yung lupa niya sa Caloocan, 'tapos bumili siya ng bagong kotse."

Patuloy ni Sherwin, "Nag-ano siya, nag-lending siya sa mga ano… nagpautang siya.

"'Tapos merong isang taong trusted niya na umutang ng almost a million ata yun.

"'Tapos hindi siya binayaran, so yun, lalo siyang na-frustrate na naman.

"Hanggang sa hindi na niya makuha yung ano, tinakbuhan siya, yun.

"So, na-depress na naman siya."

Nasakote ng pulisya si CJ noong July 31 sa isang buy-bust operation sa Tandang Sora, Quezon City.

Nahaharap ngayon ang dating child actor sa kasong illegal possession of dangerous drugs.

STORIES WE ARE TRACKING

DRUG REHABILITATION

Ngayong araw, August 7, nakatakdang maglatag ng piyansa ang pamilya ni Sherwin para sa pansamantalang kalayaan ni CJ.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Sherwin na kahit makapag-piyansa sila ngayon ay hindi nila masabi kung makakalaya agad si CJ.

Pero isa raw sa mga araw ng linggong ito ay siguradong makalalabas na ang nakababatang kapatid.

Ayon kay Sherwin, ang una nilang gagawin kapag makalaya na si CJ ay ipasok ito sa isang pribadong drug rehabilitation facility.

"Siyempre, una naming gawin ay to put him in a rehab and siyempre parang community service niya or what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre, ano lang naman siya, victim din lang naman siya, kasi user siya. Kumbaga, buyer siya.

"Advice lang namin sa kanya na after niya makalabas dun [sa kulungan], diretso namin siya sa rehab for at least six months to nine months."

Umaasa si Sherwin na magsilbi itong leksiyon kay CJ upang tumino na ito.

Aniya, "I hope this will be a wake-up call for him, sana huwag niyang isipin na isa na naman itong kahihiyan or failure sa buhay niya.

"Bagkus, gawin niya itong isang aral na dapat matutunan niya para lalo siyang maging malakas at matatag para sa kanyang tuluyang pagbabago.

"At andito lang ako, kami ng mga pamilya niya, hinding-hindi siya tatalikuran anuman ang mangyari dahil mahal namin siya."

Sa mga dating kasamahan ni CJ sa showbiz na gustong dumalaw, puwede naman daw pumunta ang mga ito nang diresto sa piitan ng Caloocan City Police Station.

Sabi ni Sherwin, “Punta na lang kayo dun para support na rin for him, na at least kahit papa'no na hindi niya iisipin na porke't na-broadcast na sa social media yung pagkahuli sa kanya, hindi yun batayan para malugmok siya lalo.”

Sa bashers naman ng kapatid, sinabi ni Sherwin na hindi nila ito papatulan.

“Ayoko talagang pumatol sa mga bashers kasi alam ko naman iyan, matagal ko nang alam iyang mga bashers na iyan.

"Huwag mo na lang silang pansinin, mahirapan ka lang."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Sherwin Ordonez, cj ramos
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sherwin Ordoñez assures half-brother CJ Ramos of their support: "Andito lang ako, kami ng mga pamilya niya, hinding-hindi siya tatalikuran anuman ang mangyari dahil mahal namin siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results