JC de Vera says non-showbiz girlfriend, baby worth revealing to the public

IMAGE @akosijcdeberat Instagram / Noel Orsal

JC de Vera on family life with non-showbiz girlfriend Rikkah Alyssa Cruz and Baby Lana: "Eto na yung pinaka-happy moment ng buhay ko, since lumabas yung baby. Very happy din ako na wala kaming problema na kahit isa... Kahit we have a small family, kumpleto kami. Kumpleto kami sa lahat."


Walang pag-alinlangan si JC de Vera na ipagmalaki ang non-showbiz girlfriend niyang si Rikkah Cruz at kanilang baby daughter na si Lana Athena.

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang unang isapubliko ng aktor ang katauhan ng kanyang mag-ina.

Sabi ni JC, “E, di ba, worth it naman sila ilabas?

"I have a beautiful family and I’m really proud of them.

“Mas gusto ko nga sila ipakita kaysa sa sarili ko. Mas maganda sila na lang i-showcase ko.

“Mas nakakapag-spread kami ng happiness sa lahat kaya mas maganda at mas gusto ko sila i-share ngayon.”

Nang biruin si JC kung "panganay" niyang anak si Baby Lana, agad nilinaw ng Kapamilya actor na wala siyang itinatagong iba pang anak.

Natatawang balik-sagot ng 32-year-old actor, “Yes! Dapat lang. Nag-iisa yun.

"Wala nang pangalawa, walang pangatlo.

"Basta panganay yun, very sure!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa press conference ng kinabibilangang ABS-CBN prime time series na Since I Found You.

Ginanap ito sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN ELJ Building, Quezon City, ngayong Martes, August 7.

Kung dati ay mailap si JC tungkol sa kanyang pribadong buhay, ngayon ay nasasabi na niya kung gaano siya kasuwerte sa nabuo niyang pamilya.

“Eto na yung pinaka-happy moment ng buhay ko, since lumabas yung baby.

"Very happy din ako na wala kaming problema na kahit isa.

“We have a simple, but very meaningful life right now. Hindi kami naghahangad ng sobrang lalaking bagay ngayon.

“Kahit we have a small family, kumpleto kami. Kumpleto kami sa lahat.”

Kung sakaling hindi natanggap ng publiko na isa na siyang family man, handa raw sana si JC na iwan ang kanyang showbiz career

Ngunit ikinatuwa ni JC na mas marami pa siyang blessings na natanggap mula nang dumating sa buhay niya ang anak nila ni Rikkah.

“Actually, sumagi na siya sa isip ko, mag-switch ng career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede akong mag-business na lang, puwede akong mag-slowdown sa showbiz.

“Pero it turned out na mas napaganda pa. Mas naging sunud-sunod ang trabaho.

“So nabura bigla sa isip ko yung pag-switch ng career. Hindi pa rin pala ako dun mapupunta.”

Mas naging pursigido raw magtrabaho si JC dahil sa kanyang mag-ina.

Pagkatapos ng Since I Found You, ang kasunod na teleserye ni JC ay ang The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Pagbibidahan naman ni JC ang pelikulang One Great Love kasama sina Kim Chiu at Dennis Trillo.


Stories We Are Tracking

JC de Vera posts photo of GF, baby for the first time
JC de Vera posts photo of GF, baby for the first time
<p>JC de Vera not in a rush to be in a relationship</p>

JC de Vera not in a rush to be in a relationship



ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN