Alex Gonzaga defends sister Toni against mean comments

IMAGE @cathygonzaga on Instagram

Alex Gonzaga on allegation that her sister Toni Gonzaga has an attitude problem: "Ang ate ko ay introvert lamang. Nung bata kasi siya, lagi siyang nabu-bully."


Ipinagtanggol ni Alex Gonzaga ang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga sa ilang negatibong komento mula sa netizens.

Kabilang na rito ang ang pagiging “duling” at “suplada” raw nito.

Sa video na ipinost ni Alex sa kanyang YouTube channel noong August 4, sinagot nila ni Toni ang ilang mean at harsh comments mula sa netizens.

Isang komentong binasa ni Alex mula sa netizen ay mukha raw “cross-eyed” ang kanyang ate.

May halong birong paliwanag naman ni Alex, “Nagpunta kami sa ophthalmologist, pero sabi ng doctor, hindi talaga siya duling.

“Hindi siya cross-eyed, malapit lang talaga ang pupil sa mutaan.”

Pinaratangan naman ng isang netizen na may attitude problem diumano si Toni.

Ayon sa isang netizen, sinabi raw ng kanyang anak na may kasungitan ang Home Sweetie Home actress dahil hindi raw ito marunong ngumiti nang makitang bumibili sa isang branch ng fast-food chain.

Depensa naman ni Alex, “Ang ate ko ang isa sa pinakamabuti ang puso.

"Ang ate ko ay introvert lamang.

“Nung bata kasi siya, lagi siyang nabu-bully.”

Hindi raw sila lumaking laging nasa limelight kung kaya’t hindi nila nakamulatan ang pagiging aware sa sasabihin ng mga tao kapag sila ay nasa labas.

Sabi naman ni Toni, bilib siya sa mga taong laging nakangiti, at pinapraktis niya rin ito kapag nasa labas.  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN